"There's nothing to worry about because everything is all professional, all about work. And besides, artista rin naman si Dennis, I'm sure it will not be a big deal to him," says Mark Anthony Fernandez about his team-up with Jennylyn Mercado on Little Star.

Photo: Noel Orsal

Kauna-unahang panghapong teleserye ni Mark Anthony Fernandez sa GMA-7 ang Little Star, na mapapanood na simula sa Lunes, October 25. Ito ang sinabi ni Mark sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin siya sa presscon ng Little Star kagabi, October 21, sa 17th Floor Executive Lounge ng GMA Network.

"I'm so happy na nalagay ako sa afternoon kasi first time ko dito," sambit ng aktor.

"Matagal ko nang nire-request, last year pa, na malagay ako sa hapon. Dahil nabalitaan ko, sa hapon talagang maganda rin, parang primetime na rin siya. So, sabi ko, gusto kong masubukan. At pinagbigyan naman ako ng GMA-7."

Ginagampanan ni Mark sa Little Star ang role ni Dave, isang guwapong photographer na may pagka-playboy. First time din daw gumanap ni Mark na isang playboy.

"Hindi pa ako gumaganap before ng major playboy na character. First time ko ito. At dahil sa akin kaya nagkaroon ng Little Star, si Diego [child actor Nicky Castro]."

Pahabol na biro pa ni Mark, sa role lang daw siya playboy dahil sa personal ay good boy naman siya.

Dahil nga sa pagiging playboy ay mai-involve siya rito sa tatlong babae na sina Jennylyn Mercado, Lovie Poe, at Rich Asuncion. Ang first girlfriend niya ay si Rich. Pero ang mabubuntis niya rito ay si Lovi, na isang sikat na singer. Si Jennylyn naman ang alalay ni Lovi, na magpapanggap na ina ng ipinagbubuntis ng singer.

Kumusta naman katrabaho ang nabanggit na tatlong young actresses?

"Napakaganda nila. At mukhang marami pang mapipiga sa kanila ang aming direktor na si Direk Maryo J. de los Reyes. Sana ma-please ko rin sila sa acting ko or kahit sa look ko man lang," sabi ni Mark.

NEW HAIRSTYLE. Speaking of his look, kapansin-pansin naman na bago ang hairstyle ni Mark. Nagpakulay siya ng buhok. Aniya, kailangan din daw sa role niya ito.

"Kasi parang rakistang photographer ako dito, so dapat magkaroon din ng certain look. Nagkataon din naman kasi na may ex-deal ako with Toni & Guy [hair salon].

"And then I went there three days before the taping. Naisip ko na ano kaya ang magandang buhok ko? Eto yung ending ng look. So, cute naman."

Ano ang reaksiyon niya nung makita niya yung bagong hairstyle niya?

"Okay naman. Sabi nga nila cool ang dating."