Nagsalita na ang young actress na si Pauleen Luna tungkol sa iba't-ibang isyung kinasasangkutan niya, kasama na ang pagkaka-link ng kanyang ex-boyfriend na si Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian sa ex-girlfriend ni PNOY na si Councilor Shalani Soledad ng parehong lungsod.
Nagbigay ng mga pahayag si Pauleen sa panayam sa kanya ni Cristy Fermin sa TV5 talk show na Paparazzi na ipinalabas kahapon, October 24.
Nabalita kasing madalas na makitang magkasama sa ilang events sina Mayor Sherwin at Shalani. Ano ang reaksiyon dito ni Pauleen?
"Actually, I really, really like Councilor Shalani. I find her modest, down to earth, and very pretty. When I heard about it, sabi ko, 'Oh, good catch!'
"But then, I talked to Mayor. Sabi ko, 'Ikaw, a, Councilor Shalani, a!' Pero he told me it's not true," paglilinaw ni Pauleen.
Maganda ang takbo ng samahan ngayon nina Pauleen at Mayor Sherwin dahil nakakapag-usap na raw sila ngayon.
"We're just talking again...a lot. Kunwari may narinig lang siyang tsismis about me, nagtatanong lang siya," sabi ng Eat Bulaga! mainstay.
KISSING KC MONTERO? Hindi nabanggit ni Pauleen kung isa sa mga tinatanong ni Mayor Sherwin ay ang tsismis tungkol sa pakikipaghalikan niya diumano sa radio and TV host na si KC Montero sa isang private occasion.
Hindi totoo, sagot ni Pauline.
Ayon sa magandang star, "Lumabas nga raw sa isang column na nakita nga raw kami na naghahalikan sa isang... Tinawagan nga ako ni Nay Lolit [Solis], 'Anak, totoo ba na nag-kiss kayo ni KC Montero?' 'Ha?! Si KC?''
"Kasi, we're good friends. Sabi raw somebody saw us kissing at a pool. 'What?! Where did it come from?' Kasi nga we're friends."
AMPALAYA ANONYMOUS. Kahit sinasabi ni Pauleen na ayaw na niyang pag-usapan pa ang tungkol sa Ampalaya Anonymous, inungkat uli sa kanya ni Cristy ang naging alitan niya sa mga miyembro nito, na kinabibilangan nina Angel Locsin, Maxene Magalona, Cristine Reyes, Bubbles Paraiso, at Bianca King.
"It all started on Twitter actually, that very controversial Twitter," sabi ni Pauleen.
"You'll know naman kung pinaparinggan ka ng isang tao. I'm not stupid, I'm not deaf. Silence doesn't mean you're stupid. It's just means I don't wanna stoop down to that level."
Ayon kay Pauleen, nagharap at nagkausap naman sila ni Maxene nang ipatawag sila ng GMA-7 management para magkapaliwanagan bago nagsimula ang pinagsamahang afternoon soap na Trudis Liit. Naayos naman daw ang isyu sa kanilang dalawa ni Maxene.






Thanks, for posting Cristine's tweets.
Ito sigurong si Pauleen ang nasa blind items na ang sabi eh tinatawaga na 'witch' sa kanyang network na madalas mag-badmouth ng kapwa-artista. Isang sexy starlet - na malamang na si Cristine Reyes- at isang Showbiz Scion na hindi umuurong sa laban - na malamang na si Maxene Magalona.
Di na ako nagtataka. Moneyger ba naman si Lolit tapos wala naman talagang masasabing career at boyfriend.
ano kaya ibig sabihin ni lolit solis na ngayon lang sya nakakita ng ganung klaseng bata maxene.
tama ka about cristine. ex na dapat la na say. pero nadaig ka nya. maingay ang pangalan kasi nakikita at napapanood na gumagaling na syang umarte. hindi gaya mo na kaya lang maingay dahil may inuugnay na lalake.
sample lang to sis hehehe:
tweets ni cristine
Bakit may mga taong hindi maka-move on? Wawa naman sila tsk tsk tsk.. Haay hirap maging mahaba ang hair palaging tinatapakan
Wawa naman. Haay kung pwede ko lang bigay sa kanya itong mahaba kong hair noon ko pa ginawa. Nahahabag na ako till now she can't let go
retweets nya:
PHRkristine: imsinglelicious ganyan talaga ang mga lason. sumusulpot bigla. halatang trapped in the past. uh oh. -lets help her wawa kc
talentadonggago: imsinglelicious Hindi kasi nagmo-move on ang career. Gusto magpapansin
shane4688: amorevolekAyE umeeksena na nmn c LASON?!? what the?!? haaaayz... tsk tsk... wla nba tlgang ggwing maayos ung epal na un?!?
totoysipa
just read your post...wait lang ha
Pwede post mo na lang dito? I don't follow celebrity tweets. Thanks!
Yan ang napala ni Pauleen. Para lang masabing may interview, bubuhayin na naman ang mga bagay na tapos na.
totoysipa
sis basahin mo yung twits ni cristine kaaliw. imsinglelicious ang account nya. parinig talaga sya don kay pawpaw! hahaha