May kumakalat na intriga na ang kaaway naman ngayon ng aktres na si Claudine Barretto sa Twitter ay ang kapwa nito aktres na si Bea Alonzo.
Sa October 31 episode ng Showbiz Central, live na nakausap sa telepono ng mga SC hosts na sina Pia Guanio at John "Sweet" Lapus ang mister ni Claudine na si Raymart Santiago.
Ang unang tanong kay Raymart ay kung mayroon ba talagang away sina Bea at Claudine?
"Alam mo, ang totoo niyan, wala naman sila talagang away. Meron lang gumagamit sa pangalan ni Bea sa Twitter at parang masyado nilang pinalalaki.
"Ginagawa nilang isyu itong away nila, pero babawi naman sila after nilang ipalabas na hindi talaga si Bea 'yong kaaway niya, kundi 'yong isang tao na may masamang sinabi tungkol dun sa anak namin," simulang pahayag ni Raymart.
Hiningan nina Pia at Sweet ng mensahe si Raymart para sa poser sa Twitter na nagkukunwaring si Bea.
"Huwag na lang .... masakit e, 'yong mga sinasabi niya. Pinapasa-Diyos ko na lang, at huwag na lang niyang gawin ulit dahil nakakasakit siya. At ano, e, baka bumalik sa kanya, masakit. Iyon lang!"
SEPARATION RUMORS NOT TRUE. Ang sumunod namang hiningan ng linaw kay Raymart ay ang tungkol sa kumakalat ring balitang hiwalay na sila ni Claudine.
Saan ba nanggaling ang isyung ito?
"Hindi ko alam, e... actually during nu'ng lumabas kami ni Claudine nu'ng birthday party ni Tita Annabelle [Rama], in-interview kami ng mga reporters about yung ... iyon na nga, 'yung ganyan—na doon ko lang din nalaman 'yung ganu'n- ganu'n.
"Hanggang sa patapos na yung interview, may sumingit na isang tao at sinabi, 'O, hiwalay na daw kayo?'
"Ano? Parang... saan galing iyon? Kaya nga sinabi ko na gawa-gawa mo na lang ata 'yan!"
Isa nga sa pinaka-latest na intrigang pinag-uusapan nang husto sa showbiz ay ang tungkol sa diumano'y paghihiwalay nila ni Claudine.
"Kung merong taong gustong sumira sa relasyon namin, e, hindi ko rin alam. Matagal kong inalagaan itong asawa ko, itong relasyon na 'to.
"Pinagsama kami ng Diyos, 'di ba, tapos paghihiwalayin kami?






idamay ba naman si juday dito...aminin na kasi na sama talaga ng ugali ni claudine noh...
isa sa fave namin ang bantatay.
in fact bantatay na tawag sa aso namin. hehe
for ms claudine..excited to see you again sa big screen with mark fernandez..
sana mag ka movie ka din with iza calzado, tj trinidad, jolina, ding dong and dennis trillo
Pero as per tweeting, kahit na ang fb, sometimes, they can really get you into trouble.. Kaya mas maganda siguro mag lay low muna si Claudine sa ka-tu-tweet nya.