Matagal din ang paghihintay ng young actor Rodjun Cruz bago siya nabigyan ng pagkakataon na makapagbida sa isang TV show. Nangyari ito sa afternoon soap ng ABS-CBN na Juanita Banana, kung saan gumaganap siya bilang isa sa leading man ni Bianca Manalo; ang isa pang leading man ay si Matt Evans.
Without any hint of bitterness, sinabi ni Rodjun na masaya siya na finally ay nabigyan siya ng break ng kanyang home network. Simula raw kasi nang maging part siya ng Star Magic ay ngayon lang siya nakakuha ng magandang role.
Aniya, "Yung feeling ko po talaga ngayon, sobrang thankful po talaga ako na nabigyan po ako ng chance. First time po talaga simula nang mag-artista ako na nabigyan ako ng role na maganda at important.
"Kasi noong una, hindi ko naman ine-expect. I mean, gusto ko lang pong magkaroon ng trabaho. Ma-share ang talents ko sa mga tao, na nakakapagpasaya ako kapag nagpe-perform ako, kapag umaarte ako. Kahit kasama lang ako sa isang teleserye, kahit guesting-guesting lang.
"Kaya sobrang thankful ako and feeling ko talaga blessed ako na nabigyan ako ng chance na makasama sa Juanita Banana."
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Rodjun sa thanksgiving presscon ng Juanita Banana kahapon, November 8, sa 13th floor ng ELJCC Bldg. sa loob ng ABS-CBN Compound.
ONE-WOMAN MAN. Pagdating naman sa kanyang love life, three years na raw sila ng kanyang girlfriend na si Dianne Medina, na napapanood sa mga programa ng TV5.
"One-woman man po ako. Three years na po kami," nakangiting sabi ng 23-year-old actor-dancer.
Dahil one-woman siya, ibig bang sabihin nito ay walang chance na magkagusto siya sa co-star niyang si Bianca, lalo pa't sinabi ng beauty queen turned actress na hindi pa siya nagkaka-boyfriend? (CLICK HERE to read related story.)
"E, siyempre, sa trabaho naman po, kapag ganoon, baka magkailangan kaming dalawa. Maganda po, meron kaming yung relationship namin maganda at friends po talaga. Walang ilangan, trabaho lang talaga," saad niya.
RAYVER, TWO-TIMER? Kung si Rodjun ay tahasang nagsasabi na one-woman man siya, nasasaktan siya kapag pinaparatangan ang younger brother niyang si Rayver Cruz na "two-timer."
Iniintriga kasi si Rayver, 21, na pinagsabay raw nito sina sina Sarah Geronimo at Cristine Reyes.
"Siyempre, nao-offend ako," sabi ni Rodjun. "Kasi ako mismo, kilala ko yung kapatid ko.
"At saka alam ko kung gaano siya kabait na tao. Kung gaano siya kabait na kapatid sa pamilya niya. Kasi, lumaki kami nang sabay kaya nao-offend ako.
"Kasi yung ibang tao, nahuhusgahan agad siya na kesyo ganoon siya. Pero kapag nakilala nila si Rayver, doon nila makikita kung gaano siya ka-God-fearing, mabait talaga siya."






then si sarah naman na panay pa sweet at text siya kay sarah sinabay rin pala kay melissa ricks habang nangliligaw kay sarah...
at ngayon sarah naman sabay kay cristine. actally di naman talaga sila sabay pero si rayver panay pa sweet pa rin..ano ba yan???
mas gusto ko c rodjun mas matino at steady kapag may ka relasyon
andami pala nilang Cruz na nasa showbiz.
very humble na magkapatid..
goodluck sa career ninyo Rodjun and Rayver..Godbless!