Juan Luis Agoncillo, or Baby Lucho, was baptized last Sunday,  November 14. His godparents are Beth Tamayo, Ronald Agoncillo, Aileen Kalalo, and Renato Arcilla.

Photo: courtesy of Noel Ferrer

Bininyagan si Juan Luis Santos Agoncillo noong Linggo, November 14, sa Sacred Heart Parish sa Hillsborough, Alabang. Ang baptism ay isinagawa ni Fr. Tito Caluag. Pagkatapos, nagkaroon ng reception sa isang restaurant sa Global City (Fort Bonifacio).

Ilang beses nang nahingan ng kuwento sa telebisyon at pahayagan si Ryan Agoncillo tungkol kay Baby Lucho, na siyang palayaw ng anak nila ni Judy Ann Santos.

Pero hiniling ng mag-asawa na hihintayin muna ang binyag bago nila ipakita ang larawan nito sa publiko.

Sa panayam sa kanya ng Paparazzi sa mismong araw ng binyag ng kanilang two-month-old baby, ang sabi ni Ryan, "Kristiyano na si Lucho. Ngayon, puwede na naming ipakita siya sa inyong lahat.

"Hindi naman namin ipinagkakait si Lucho. Wala namang masama kung sumunod lang kami sa kasabihan na hintayin muna ang binyag bago ilabas ang picture ng bata."

May mga nauna nang naglabas ng video at paparazzi shots ng baptism at reception. Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin sina Ryan at Juday sa mga miyembro ng press na nirespeto ang kanilang kahilingan.

Heto ang dagdag na pahayag ng mag-asawa sa pamamagitan ni Noel Ferrer, ang talent manager ni Ryan at blogger din dito sa PEP:

"It was just a matter of time before this picture of baby Lucho was to be shared to the press.

"It was just the family's request to wait until after the baptism was done.

"We are happy and thankful that most of our friends in media honored such request—except for one who came out with paparazzi shots of the baptism and reception.

"We know that media is such a mad scramble for scoops and ratings, but we would like to thank everyone who patiently understood the request of the Agoncillo family.

"As always, thank you for all for your prayers and support!

"Welcome to the Christian world, Baby Juan Luis Santos Agoncillo!"