"To be honest with you, noong nai-present sa akin 'to, parang hindi agad nasagot ang mga tanong na yun. But noong na-present na yung material, noong narinig ko na, talagang I'm really after the material," says John Lloyd Cruz about his latest film My Amnesia Girl.

Photo: Sany Chua

Three years in a row nang hawak ni John Lloyd Cruz ang titulong Box-Office King—mula 2007 hanggang 2009.

This year ay makakadalawang pelikula ang Kapamilya actor. Naipalabas na ang Miss You Like Crazy nila ni Bea Alonzo noong February, at ipalalabas naman this month ang first movie niya with Toni Gonzaga, My Amnesia Girl.

Kumita sa takilya ang Miss You Like Crazy at inaasahan ding papatok sa mga manonood ang My Amnesia Girl, na ipalalabas sa November 24.

Kung saka-sakali, malaki ang posibilidad na masungkit muli ni John Lloyd ang Box-Office King title this year.

May pressure ba kay John Lloyd ang pagiging Box-Office King tuwing may bagong pelikula siyang ipinalalabas?

"Mahirap namang panindigan," paunang sagot ng aktor.

"Parang hindi naman yata mapapalagay ang utak ko kung wala akong iisipin [kundi] every year, dapat pinakamaraming manood ng pelikula ko. Medyo baka mabaliw naman ako no'n.

"Kung darating at darating ang panahon na baka may ibang pelikula na mas maraming papanoorin, mas maraming tatangkilikin, in terms of box-office, basta ang palaging intention lang—to do a movie na dekalidad at hindi pinapabayaan."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si John Lloyd sa presscon ng My Amnesia Girl kagabi, November 17, sa Annabel's restaurant, T. Morato Ave., Quezon City.

NEW LEADING LADY. Ano ang naging reaksiyon niya nang una niyang malaman na si Toni Gonzaga ang makakapareha niya sa bago niyang pelikula?

"Alam n'yo, wala sa plano 'to. Kasi ang next movie ko dapat, Kanto Boys," sabi ni John Lloyd. Tinutukoy niya ang pelikula nila ng mga kagrupo niya sa ASAP na sina Luis Manzano, Billy Crawford, at Vhong Navarro.

"Sobrang wala ito sa plano," ulit niya.

"Palagi ko namang tinatanong at palaging ang question ko every time na may next movie ako—material, content, is it the right time to do it? Is it the right project for me? 

"And to be honest with you, noong nai-present sa akin 'to, parang hindi agad nasagot ang mga tanong na yun. But noong na-present na yung material, noong narinig ko na, talagang I'm really after the material."

SAME DIRECTOR. Samantala, tuwing gagawa ng pelikula si John Lloyd with Direk Cathy Garcia Molina ay sinasabing ito na muna ang huling pagkakataon na magkakatrabaho sila.