"It's been an issue for, like, as long as I can remember. So, kung meron ako anak, siguro eight years old na siya ngayon," says Parokya Ni Edgar vocalist Chito Miranda about rumors that he has a love child with ex-girlfriend Kaye Abad.

 

Photo: Noel B. Orsal

Kaugnay ng pagse-celebrate ng 1oth anniversary ng music channel na MYX ay idinaos ang 9th MyxMo concert kagabi, November 18, sa SM Mall of Asia Concert Grounds.

Isa sa mga nag-perform ang bandang Parokya ni Edgar, na suki na sa MyxMo concerts.

Pagkatapos ng kanilang performance ay nagkaroon ng pagkakataon na makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang lead vocalist ng banda na si Chito Miranda.

Nabuo ang Parokya ni Edgar noong 1993. Ano kaya ang kanilang pakiramdam na isa sila sa mga itinuturing na legend na sa OPM music scene?

"We feel old—very old!" nagbibirong sagot ni Chito.

Pero sa seryosong tono, idinagdag niya na, "Ang dami-dami ng mga bagong magagaling na banda ngayon, pero sinusuportahan pa din yung music namin ng mga kids. So, thank you very very much."

Ano ang sikreto ng Parokya Ni Edgar at tumagal sila nang halos dalawang dekada?

"I guess the fact that we are friends and our friendship is solid. I think it's not just about our music, e. Kasi ang dami na din magagaling na mga artist. I really don't know," sagot ni Chito.

Ang mga kamiyembro ni Chito ay sina Vinci Montaner, Gab Chee-Kee, Darius Semaña, Dindin Moreno, at Buwi Meneses.

Ano ba ang mga naging pagbabago sa kanilang banda mula noong 1993?

"Walang nag-evolve. We are still the same seventen years ago. Hindi kami nag-mature physically, hindi din kami nag-mature emotionally.

"We are still the same group. And we are still very very thankful to all our fans," sabi ni Chito.

LOVE-CHILD ISSUE. Dahil maituturing na ring bahagi ng showbiz ang Parokya Ni Edgar, hindi maiwasang masangkot sila sa mga isyu at kontrobersiya. Partikular na si Chito, na nauugnay sa female stars.

Ang ex-girlfriend ni Chito ay si Kaye Abad at nali-link naman siya ngayon kay Angel Locsin.

Isa sa mga pinupukol ngayong intriga kay Chito ay ang pagkakaroon niya diumano ng anak kay Kaye.