Child star Jillian Ward moves up to primetime television with GMA-7's Yuletide offering, Jillian: Namamasko Po!

Photo: Noel Orsal

Bagay na bagay sa child star na si Jillian Ward ang kanyang bagong papel na gagampanan sa upcoming Christmas series ng GMA-7 na pinamagatang Jillian: Namamasko Po!

Sa nasabing serye kasi ay isang magical doll ang role ni Jillian. Para maging makatotohanan ang kanyang pagganap ay binihisan ang dating Trudis Liit lead star ng damit na karaniwan ay nakikita natin sa mga laruang manika with matching wig at pink na headband.

Convincing naman siya sa role dahil mestiza ang facial features niya, at kitang-kita naman sa trailer na feel na feel ng batang artista ang pag-arte bilang isang manika.

Nung press conference na ginanap nitong Miyerkules, November 24, sa Studio 5 ng GMA Network Center sa Quezon City ay ipinakita ni Jillian ang kanyang signature routine sa serye, na kung saan ay lalabas siya sa loob ng doll box at maglalakad para gumala sa loob ng bahay ng batang nagmamay-ari sa kanya.

Even during the interview session with members of the entertainment press ay paulit-ulit na bumabalik ang child star sa stage para muling pumasok sa kahon at ipakita ang kanyang out of the box stunt.

Mapapanood ang Jillian: Namamasko Po! Itong darating na Lunes, November 29, pagkatapos ng Survivor: Celebrity Edition.

CHRISTMAS PRESENT. Itong darating na Pasko ay gusto raw ni Jillian na magkaroon ng Barbie Playhouse.

Mayroon ba siyang partikular na gamit o laruan na gustong matanggap galing sa kanyang co-stars na sila Wendell Ramos at Claudine Barretto?

"Kahit ano naman po," sagot ng bibong child star.

Kung magiging tunay na manika si Jillian ay siya daw 'yong klase na, "Umiiyak po tsaka naglalakad tsaka pumipikit po."

Mas nag-e-enjoy daw siya na gumanap bilang manika kesa Trudis Liit. Bagama't minsan ay nahihirapan daw siya sa kanyang costume ay okay lang naman ito sa kanya.

Tungkol naman sa kanyang wig, ito ang paliwanag ni Jillian: "Kasi po bawal makita ang totoo kong hair kasi nga po manika ako—lahat po ng manika ay big hair."

Bagama't 5 years old pa lamang, aware na si Jillian na isang certified celebrity na siya. Bukod kasi sa kanyang television shows at commercials ay nakakasama na rin ang cute na child star sa mga mall shows at ilang promo activities ng kanyang mother network.

Ano ba ang kanyang mga nararanasan kapag nasa pampubliko siyang lugar?