Alessandra de Rossi is happy to be working with Kris Aquino on Dalaw, Star Cinema's entry to the MMFF.

 

"Masaya, masaya siyang katrabaho. Makulit. Tanong nang tanong, sagot naman ako nang sagot," Alex says. "Usually mga tanong naman niya, saan ka kahapon?  Ano ginawa mo?  From there, maganda na ang conversation niyo. I guess, nakapag-bonding naman kahit apat na araw pa lang ako nakakapag-shoot."

 

Photo: Noel Orsal

First time lang daw na makasama ni Alessandra de Rossi ang Horror Queen na si Kris Aquino pagdating sa pag-arte. 

Si Alex kasi ang gumaganap na pinsan ni Kris sa pang-MMFF entry ng Star Cinema na Dalaw. Palagi raw siyang naka-kontra sa character ni Kris but—in a good way —kaya hindi puwedeng sabihing kontrabida siya sa movie.

Happy si Alessandra na naka-trabaho niya si Kris sa movie nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong launching ng 36th MMFF.

Ayon nga kay Alex, "Masaya, masaya siyang katrabaho. Makulit. Tanong nang tanong, sagot naman ako nang sagot.

"Usually mga tanong naman niya, saan ka kahapon?  Ano ginawa mo?  From there, maganda na ang conversation niyo. I guess, nakapag-bonding naman kahit apat na araw pa lang ako nakakapag-shoot."

Suki na rin naman si Alex ng filmfest. Pero itong taong ito, baka hindi daw siya makasama sa parade dahil may iba siyang plano this Christmas.

"Ngayon ko lang naman gagawin 'to and I guess, ibibigay naman nila sa akin 'to. Magkakaroon ako ng out-of-town na, personal lang talaga. Ang kasama ko, friends. Friends lang talaga," natatawa pa niyang sabi.

So, ano ang nakikita niya sa Christmas niya, masaya, mainit or malamig?

"I guess, masaya siya. Kasi, first time ako na 'yung gagastos para sa isang bakasyon.  At hindi ito family. 'Yung talagang pupunta ka lang doon na kasama ang mga kaibigan mo."

LOVE LIFE. Ang tagal nang walang napapabalitang boyfriend  si Alex.  Bakit parang sobra ang pananahimik niya sa aspetong ito?

"Nananahimik talaga!" natatawang sabi niya.

By choice ba talaga?

"Nagkataon lang.  Dati kasi ang dali lang humanap.  Hindi naman humanap, pero, makatagpo.  Bukas ang mundo ko, e.  Taping lang ako ng taping.  

"Ngayon kasi, kung walang taping, bahay lang.  So, kung hindi ka mai-in-love sa taping, saan ka mai-in-love sa bahay?  Sa driver?  Chos!"