"I never thought I could bring them all here in the Philippines and, you know, it's been amazing... I'm really happy. Heart is here and they are here, and [she] met all of them. Just to be with my family right now, that's really important to me," says Daniel Matsunaga.

Photo: Noel Orsal

Dumating sa Pilipinas ang ama ng Brazilian-Japanese hunk na si Daniel Matsunaga mula sa Brazil ilang linggo matapos dumating sa bansa ang ina at kapatid ng model turned actor.

Pagdating pa lang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay nakausap na agad ng Showbiz Central ang ama ni Daniel na si Paolo Matsunaga.

Dahil hindi marunong magsalita ng Ingles si Mr. Matsunaga (he speaks Portuguese), ang kapatid ni Daniel na si Vanessa ang nag-translate ng mga sagot nito.

Ayon kay Mr. Matsunaga, "The reason I came to the Philippines is [to attend] Vanessa's wedding. And it's such a great opportunity to be here with Daniel during his birthday."

Boto raw ang ama ni Daniel sa girlfriend nito na si Heart Evangelista. Excited na rin daw siyang makita at makilala si Heart in person dahil naipakilala na sa kanila ni Daniel ang aktres sa pamamagitan ng Skype.

Kuwento ni Mr. Matsunaga, "She spoke to us in Portuguese. She's so nice because she put some effort to learn Portuguese just to talk to us.

"We didn't have the opportunity to talk. But we spoke through the Internet.

"I'm sure that it's gonna be a different feeling, not because she is popular, but because of her personality.               

"She's a very kind girl — everything about her and all the qualities. Daniel, that's all he needed, a girl like that."   

Last Saturday night, November 27, ay binigyan ng surprise birthday party si Daniel. Sa event din na yun nagkaroon ng pagkakataon na personal magkakilala si Heart at ang ama ni Daniel.

Ayon kay Heart, "Super nice. They are all nice. I wish they'll live here na lang in the Philippines. I'm so in love with his family."

Siyempre pa, masayang-masaya naman ang birthday boy na halos kumpleto na nga ang lahat ng mahal niya sa buhay sa mismong   kaarawan niya.

Sabi ni Daniel, "I never thought I could bring them all here in the Philippines and, you know, it's been amazing.

"I hope they'll make a lot of fun. I hope they'll do a lot of different stuff."