"Kasi, romantic comedy, tapos nakakatawa sila pareho. Si Dingdong, this time, hindi naman siya serious actor. Serious comedy naman ito. First time ko rin to work with Regine. Masaya!" says director Andoy Ranay about working with Regine Velasquez and Dingdong Dantes.

Photo: Sonny Camacho

"Nag-start na kami mag-shoot," bungad ni Direk Andoy Ranay sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin siya sa lobby ng Wilfrido Ma. Guerrero Theater last Friday, November 26. 

Ang tinutukoy ni Direk Andoy ay ang upcoming primetime series ng GMA-7 na I Heart You Pare, na pinagbibidahan nina Regine Velasquez at Dingdong Dantes.

May ten-minute intermission ang dulang Isang Panaginip na Fili, na pinanonood ni Direk Andoy kasama ang stage actress na si Frances Makil Ignacio, kaya kinausap namin sandali ang kontrobersiyal na ring  direktor. 

Ayon kay Direk Andoy, two weeks na silang nagte-taping ng romance-comedy teleserye nina Regine at Dingdong.

"Kasi, may break si Regine na one month 'cause she's getting married," banggit ng direktor.

Ikakasal ngayong buwan ang Asia's Songbird sa singer-songwriter na si Ogie Alcasid.

Sa December 10 daw ang simula ng taping break ni Regine.

"It's doing great!" bulalas pa ni Direk Andoy nang kumustahin ng PEP ang trabaho nila.

Nagdye-gel din daw sina Dingdong at Regine, as in may good chemistry sila bilang tandem.

"Oo, sobra!" bulalas niya. "Kasi, romantic comedy, tapos nakakatawa sila pareho. 

"Si Dingdong, this time, hindi naman siya serious actor. Serious comedy naman ito.

"First time ko rin to work with Regine. Masaya!"

ENDEARING. All praises si Andoy sa kanyang idinidirek na pareha sa I Heart You Pare, na isa sa pang-opening salvo ng GMA-7 next year, 2011.

About Regine V, he said, "She's very endearing and very professional. Super!

"She comes to the set prepared, tapos whatever I ask her to do, she would do it no matter what."