During the announcement of TV5's new shows in 2011, the Kapatid network also introduced its newest star—Jasmine Curtis, the younger sister of Anne Curtis. Jasmine will be paired with JC de Vera in the TV remake of the Robin Padilla-Vina Morales movie Ang Utol Kong Hoodlum.

Photo: Noel Orsal

Inaasahang mas lalong magiging exciting ang mundo ng telebisyon sa susunod na taon dahil sa malalaking programang inihahanda ng tatlong major networks sa bansa: ABS-CBN, GMA-7, at TV5.

Kung nung mga nakaraang taon ay ang Kapamilya at Kapuso networks lang ang pukpukang naglalaban sa pagandahan ng shows at TV ratings, ngayong taon ay biglang nagparamdam ang TV5—na kilala na bilang ang Kapatid network.

Sa katunayan, may mga pagkakataong nangunguna na sa kani-kanilang timeslots ang ilang shows ng TV5.

Partikular na ang weekend primetime programs nito, gaya ng Talentadong Pinoy ni Ryan Agoncillo, LOL: Laugh Or Lose ni Vic Sotto, Magic? Gimik! nina Kean Cipriano at Empoy, at maging ang Willing Willie ni Willie Revillame.

Sa Christmas party ng TV5 para sa press ngayong gabi, December 2, sa Bfroadway Centrum ay ni-reveal ng head of production and creative services, Perci Intalan, ang mga bagong programang ihahain ng Kapatid network sa 2011.

Karamihan ng mga inihahandang programa ng TV5 ay remake ng mga dating TV shows at mga pelikula.

Kasama na rito ang pagbabalik sa telebisyon ng Iskul Bukol, ang sitcom nina Tito, Vic & Joey sa IBC-13 na tumagal sa ere ng 11 years—mula 1978 hanggang 1988.

Bagamat hindi sinabi ni Sir Perci, ang nagiging tawag kay Perci Intalan sa showbiz, kung sinu-sino ang mga artistang kasama sa sitcom na ito, nai-report na sa PEP Alerts na ang mga bida rito ay sina Ryan Agoncillo, Sam YG, at Kean Cipriano ng Callalily.

Ang Kapatid network din ang nakakuha ng Philipine franchise ng American reality show na Extreme Makeover Home Edition. Ayon kay Sir Perci, labindalawang pamilya ang magbabago ang buhay in "extreme" fashion. Sa U.S. edition, ginigiba nang buong-buo ang isang bahay, tinatayuan ng mas magarang bahay, at kinukumpleto pa ang mga all-new na kasangkapan dito.

TV5-VIVA COLLABORATIONS. May mga programa rin ang TV5 na iko-co-produce ng Viva Films, at lahat ng ito ay dating hit movies ng film company na pag-aari ni Boss Vic del Rosario:

Bagets, ang 1984 blockbuster youth-oriented movie na pinagbidahan nina Aga Muhlach, William Martinez, Raymond Lauchengco, JC Bonnin, at Herbert Bautista.

Humanap Ka Ng Panget, ang 1990 comedy film ni Andrew E;

P.S. I love You, ang 1981 romance movie nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion;

at Ang Utol Kong Hoodlum, ang 1991 action film na pinagbidahan nina Robin Padilla at Vina Morales.