Isang araw pagkatapos siyang tanghalin bilang first Celebrity Sole Survivor, live na nag-guest si Akihiro Sato sa Startalk kahapon, December 3.
Nanalo sa Akihiro nang makakuha siya ng tatlong boto mula sa pitong jury members, na binubuo nina Jon Hall, Aira Bermudez, Michelle Madrigal, Ahron Villena, Elma Muros, Moi Marcampo, at Aubrey Miles.
Tinalo ng Brazilian-Japanese actor-model sina Solenn Heussaff at Ervic Vijandre, na nakakuha naman ng tig-dalawang boto. (CLICK HERE to read related story.)
Sina Joey de Leon, Ricky Lo, at Lolit Solis ang nag-interview kay Akihiro.
CELEBRITY SOLE SURVIVOR. Ayon kay Akihiro, pagka-shock daw ang una niyang naramdaman nang marinig niya ang kanyang pangalan bilang kauna-unahang Celebrity Sole Survivor.
"Finally, we're done with Survivor and it's a wonderful show," sambit pa niya.
Ano sa palagay ni Aki ang dahilan kung bakit siya ang ibinoto ng mga dati niyang kasamahan?
"Hindi ko alam po. Kasi, masipag ako sa isla roon.
"Sobrang mahirap yung games and many controversy between Aubrey and Ervic, so I did really hard work," sagot ni Akihiro, na hirap pa rin sa pagsasalita ng Tagalog at English.
Natawa naman si Aki nang intrigahin siya ni Lolit kung sa palagay ba niya ay may relasyon sa pagitan nina Ervic at Aubrey.
Sabi ni Aki, "It's part of the game. Pagkatapos ng show, okay naman, nagkausap kami and tapos na."
During Survivor, bakit palaging umiiyak si Aki?
"Kasi, masakit yung game. Thirty-six days and after the show, very tired, sa games," paliwanag niya.
Ayon pa kay Aki, malaki rin daw ang ipinayat niya dahil sa Survivor Philippines.
PRIZE MONEY. Tatlong milyon piso, tax free, ang napanalunan ni Akihiro bilang Celebrity Sole Survivor. Ano ang plano niyang gawin sa kanyang napanalunan?
"Kailangan ko yung kotse," nakangiti niyang sagot.






God bless you for giving importance to your family
wag nang bitter, ok? ang mga pinoy nga nagtatrabaho sa ibang bansa. gusto mo pabalikin rin cla rito? mag isip2x ka nga.
para din yang call centers kaya dinala dito mga call center sa US kasi less expensive dito tapos magagaling pa mag english mga pinoy. Kung ikaw nga naman employer san ka pa diba?
ganun din sa pag angkat ng talent.... kailangan ba imported na may brazilian, japanese, spanish, korean or american surname. dapat restrict ng mga namumuno ng pagdala ng mga faces na yan sa pilipinas. wait lang,,, ngayon nanalo si aki ng cash money. nababayad bayan ng sapat ng taxes sa bansa? may working permits ba ang mga yan?
please....