news

Jessy Mendiola on her launching soap, Sabel: "Para akong lumulutang!"

by Melba Llanera posted on December 6, 2010  STATS: 1899 Views | 27 Comments

 

"I didn't come from a famous family or reality show, pero I was surprised lang na someone like me would be given the chance for a lead role sa isang teleserye. So, sobrang laki ng pasasalamat ko," says Jessy Mendiola.

Photo By: Noel Orsal

Isang young actress na naman ang ilulunsad ng ABS-CBN sa pamamagitan ng isang soap opera.

Ito ay si Jessy Mendiola na tampok sa bagong early primetime series na Sabel, na magsisimula na ngayong gabi, December 6, sa Primetime Bida.

Ayon kay Jessy, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na binigyan siya ng launching project ng Kapamilya network.

"Para akong lumulutang!" bulalas ng 18-year-old actress sa presscon ng Sabel noong Huwebes, December 2.

LAUNCHING PROJECT. Hindi na maituturing na baguhan si Jessy sa larangan ng TV dahil marami na siyang nagawang proyekto sa ABS-CBN. Pero karamihan dito ay puro bit roles o supporting roles lang.

Ang ilan sa mga nilabasan niyang mga pograma ay ang mga sumusunod: Abt Ur Luv Ur Lyf 2, Natutulog Ba ang Diyos?, Volta, Astigs, Boystown, George and Cecil, Katorse, at May Bukas Pa.

Pero ang masasabing unang proyekto na nagpakilala sa kanya sa publiko ay ang teleseryeng Kung Tayo'y Magkakalayo, kung saan gumanap siya bilang leading lady ni Coco Martin.

Ayon kay Jessy, "Last projects ko, support lang ako. Tapos, biglang lead na, parang yun na yun. Wow! Sobrang laki ng pasasalamat ko sa ABS.

"I didn't come from a famous family or reality show, pero I was surprised lang na someone like me would be given the chance for a lead role sa isang teleserye. So, sobrang laki ng pasasalamat ko. 

"Sobrang nervous lang ako na sana magustuhan siya ng mga tao."

Para kay Jessy, isa itong malaking hamon para ipakita niya ang kanyang kakayahan.

"Kakayanin," sambit niya.

"Minsan lang kasi dumating ang ganitong opportunity kaya nga sobra-sobra ang pasasalamat ko na sa dinami-dami ng mga artista, ako ang napili na gampanan ang role na Sabel."


READY FOR CONTROVERSIES. Ngayong ilu-launch na siya ng ABS-CBN into full stardom, handa na ba si Jessy sa mga kontrobersiya na maaaring ipukol sa kanya?

"May mga controversies na akong pinagdadaanan, like, 'Ngayon ko lang nakita ang boobs niya. Nagpalaki ba 'yan?'

"Ako, magpapalaki? Hindi ko naman kaya yun! Minsan push-up lang ang katapat niyan. 

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

27 Comments

  • 27  sosingmasa

    02/24/2011 | 09:07 AM
    Super sweet ng girl na to...and mukhang simple, hindi vain. Morepower!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  gingersnap

    12/09/2010 | 03:35 AM
    tama yan para ibang mukha naman yung napapanood ng mga tao sa tv. maraming bit players na may talent pero hindi lang nabibigyan ng break at pag kakataon na maipakita kung ano ang kakayanan nila. good luck sayo jessy! sana hwag masayang ang pagkakataon na ibinigay sayo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  rixhart

    12/07/2010 | 08:20 AM
    sino sya???!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  mgakupsmilyaks

    12/07/2010 | 07:49 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  exclusibo

    12/07/2010 | 06:41 AM
    Wala ng pag-asa ang ABS-CBN at asa na lang sa mga cheap na babae tulad nito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  gANNda

    12/07/2010 | 04:03 AM
    Goodluck Jessie... and good job for abs cbn,isa nnmng talent ang sisikat...no wonder nsa kapamilya na lahat ng masasabing sikat unlike gma,isa hanggang tatlo lng ang itinuturing sikat...kawawa nmn yung mga ibang hindi nabibigyan ng break hayyy
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  pepers

    12/06/2010 | 07:56 PM
    another pet ng management. ka bago2x pa lang at walang star potential at di naman exceptional umarte, biglang binigyan ng break.nakakapag tataka diba?hmmmmmm
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  bigbother

    12/06/2010 | 05:33 PM
    dapat ka talaga magpasalamat, iha. sa dami nyo nga naman dyan, big deal na masyado kung makapaglead star ka. malay mo, matulad ka kay marian na biglang prime star ng station. wa mo lang galingan masyado. dahil kung sobrang galing mo at maagaw mo ang trono, kukuyugin ka ng mga freaky fans ng mga talents dyan sa stasyon mo. good luck sayo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  okayka

    12/06/2010 | 04:53 PM
    paano hindi ka lulutang e puro kiliti ang inaabot mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  hellopinkkitty

    12/06/2010 | 04:50 PM
    i saw this girl sa maalaala mo kaya magaling umarte. Pretty ka I like you!!!!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  tatoyadik

    12/06/2010 | 04:36 PM
    parang kristine hermosa ang dating...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  bigbother

    12/06/2010 | 04:11 PM
    parang di pang lead star ang beauty nya eh. good luck though.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  exclusibo

    12/06/2010 | 03:45 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  merlion_25

    12/06/2010 | 03:36 PM
    Akala ko member ng banda ang jessy mendiola. katunog nya rin ang mga pinay b o l d actresses noon. lol.

    Another starlet under the leadership of Shaina Magdayao.

    Shaina - reyna ng mga starlets. Starlet for life. bwahahahaha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  dennise

    12/06/2010 | 03:13 PM
    Nice to know that new stars are being developed by both ABS and GMA hindi puro same old faces ang nakikita mo. ABC 5 is also great honing new league of talents. keep up the good work.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  flightforge29

    12/06/2010 | 03:02 PM
    ika nga give others a chance..hindi kagaya sa kabila na tatlo lang ang artista nila..hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  sourcherry

    12/06/2010 | 02:47 PM
    jessy grabe! di ako mahilig sa mga tisay...pero sobrang ganda mo talaga!

    good luck sa sabel at more projects to come.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  jpcrzyluv

    12/06/2010 | 02:29 PM
    Anong pinagsasabi mo monjuaquin si marian was given an opportunity...glaiza etc etc
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jpcrzyluv

    12/06/2010 | 02:26 PM
    D na afford ng abs ang mga datihang stars nila kaya maraming bago...kaya nawawala ang iba
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • red_radiance

    12/06/2010 | 02:18 PM
    mas gusto ko sya kesa kay erich. good luck jessy!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About