"I didn't come from a famous family or reality show, pero I was surprised lang na someone like me would be given the chance for a lead role sa isang teleserye. So, sobrang laki ng pasasalamat ko," says Jessy Mendiola.

Photo: Noel Orsal

Isang young actress na naman ang ilulunsad ng ABS-CBN sa pamamagitan ng isang soap opera.

Ito ay si Jessy Mendiola na tampok sa bagong early primetime series na Sabel, na magsisimula na ngayong gabi, December 6, sa Primetime Bida.

Ayon kay Jessy, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na binigyan siya ng launching project ng Kapamilya network.

"Para akong lumulutang!" bulalas ng 18-year-old actress sa presscon ng Sabel noong Huwebes, December 2.

LAUNCHING PROJECT. Hindi na maituturing na baguhan si Jessy sa larangan ng TV dahil marami na siyang nagawang proyekto sa ABS-CBN. Pero karamihan dito ay puro bit roles o supporting roles lang.

Ang ilan sa mga nilabasan niyang mga pograma ay ang mga sumusunod: Abt Ur Luv Ur Lyf 2, Natutulog Ba ang Diyos?, Volta, Astigs, Boystown, George and Cecil, Katorse, at May Bukas Pa.

Pero ang masasabing unang proyekto na nagpakilala sa kanya sa publiko ay ang teleseryeng Kung Tayo'y Magkakalayo, kung saan gumanap siya bilang leading lady ni Coco Martin.

Ayon kay Jessy, "Last projects ko, support lang ako. Tapos, biglang lead na, parang yun na yun. Wow! Sobrang laki ng pasasalamat ko sa ABS.

"I didn't come from a famous family or reality show, pero I was surprised lang na someone like me would be given the chance for a lead role sa isang teleserye. So, sobrang laki ng pasasalamat ko. 

"Sobrang nervous lang ako na sana magustuhan siya ng mga tao."

Para kay Jessy, isa itong malaking hamon para ipakita niya ang kanyang kakayahan.

"Kakayanin," sambit niya.

"Minsan lang kasi dumating ang ganitong opportunity kaya nga sobra-sobra ang pasasalamat ko na sa dinami-dami ng mga artista, ako ang napili na gampanan ang role na Sabel."


READY FOR CONTROVERSIES. Ngayong ilu-launch na siya ng ABS-CBN into full stardom, handa na ba si Jessy sa mga kontrobersiya na maaaring ipukol sa kanya?

"May mga controversies na akong pinagdadaanan, like, 'Ngayon ko lang nakita ang boobs niya. Nagpalaki ba 'yan?'