Asia's Songbird Regine Velasquez's romantic comedy series for 2011 titled I ♥ You Pare will give the viewers a closer look into the flashy and flamboyant world of gays and drag queens.

 

Photo: Noel Orsal

Pukpukan ang taping ng upcoming GMA-7 romantic comedy series na I ♥ You Pare for the past couple of weeks.

Kaninang umaga, December 10, binisita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang showbiz reporters ang taping ng nasabing programa sa Philippine Educational Theater Association (PETA) Theater Center sa New Manila, Quezon City.

Naabutan namin sa set ng I ♥ You Pare sina Tirso Cruz III, Paolo Ballesteros, Boy Alano, at ang female lead star na si Regine Velasquez.

Walang eksena ngayong araw ang leading man ni Regine sa serye na si Dingdong Dantes kaya hindi niya kinailangan na dumaan sa taping.

Kasama rin sa cast sina Ian Veneracion,Ryza Cenon, Antonio Aquitania,  Marc Abaya, Ehra Madrigal, Luanne Dy, Kevin Santos, Carlo Gonzales, Butch Aquino, Luz Valdez, Joey Paras, Joel Caracho, at Ms. Celia Rodriguez.

Sharing director credits are Andoy Ranay and Joyce Bernal.

GAYS AND DRAG QUEENS. Eksenang mala-stage musical ang nadatnan namin kanina, with Regine performing and lip-synching to the tune of Gloria Gaynor's 1984 hit song, "I Am What I Am."

Tinaguriang gay anthem ang nasabing awitin, at angkop na angkop naman ito sa konsepto ng I ♥ You Pare na sumisilip sa mundo ng mga bakla at iyong mga tinatawag na drag queens.

Early next year mapapanood ang serye sa GMA-7. Sa kasalukuyan ay marami-rami na ring episodes ang nakunan, enough to cover the show's first few weeks on air.

"Hindi pa naman namin nasasarado, pero marami na kaming nakunan. Siguro two weeks or three weeks na rin kaming nagte-taping," bungad ni Regine nang makapanayam namin siya during the break.

"Siguro more or less, the first week, the pilot week is buo na. Then the second week siguro at least half. Tapos, may fourth week na rin kaming nakunan."

Four times a week ang taping ng serye at naging "almost every day" pa nga ito nitong mga nakaraang araw dahil kailangan nilang makaipon ng sapat na episodes bago pumasok ang mahabang Yuletide break.

Bagamat bugbog sa trabaho dulot ng puyatang taping ay sinabi ni Regine na excited at masaya siya sa tema at istorya ng proyekto.

"Maganda lang kasi sa romantic comedy, magaan.