Yul Servo talks about his friendship with Baron Geisler and Piolo Pascual

William R. Reyes
Tuesday, December 14, 2010 @ 01:26PM  |  24860 views

 

"Bilang isang kaibigan, mabait siya. Kuya pa nga niya ako. Mahilig siyang magpayo, at malapit sa Diyos. Wala kaming pinagsamahan na hindi maganda. Lahat maayos para sa kaibigan namin," says Yul Servo (in photo) about Piolo Pascual.

Photo By: Noel Orsal













Very visible uli si Yul Servo these days sa mga showbiz functions dahil muli siyang gumawa ng pelikula matapos ang dalawang taon. 

Kasali si Yul sa Metro Manila Filmfest 2010 entry na Rosario, mula sa Cinemabuhay at Studio5, bilang isa sa leading men ni Jennylyn Mercado.

"Okey naman. Magandang pelikula. Nagpapasalamat ako na napasama ako sa pelikulang ito," sabi ni Yul.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Yul noong Huwebes ng hapon, December 9, matapos ang pagdalo niya ng lingguhang session ng Manila City Council, sa Manila City Hall.

Ani Yul, malaki ang pagpapasalamat niya sa direktor ng Rosario na si Albert Martinez, at sa kanyang manager na si Maryo J. de los Reyes na hindi siya pinababayaan sa kanyang career. 

Noong 2008 pa gumawa ng huli niyang dalawang pelikula si Yul—ang Brutus para sa Cinemalaya at Torotot ng Viva Films. Naging premyado si Yul para sa mga pelikulang nabanggit, sa Cinemalaya at Brussels International Film Festival.

For which the unassuming actor says he's indebted to Direk Maryo para sa mahusay nitong pangangalaga sa kanyang showbiz profession, bagamat may kaabalahan na rin si Yul—o si John Marvin Cruz Nieto IV—sa pulitika bilang konsehal ng 3rd district ng Maynila sa ikalawa niyang termino.

"Forever 'yon," sabi pa ni Yul about his director-friend at manager.

Tungkol pa rin sa Rosario, walang negative na mababanggit si Yul tungkol sa naging samahan nila ng mga co-star niya, o kahit hindi pa sila nagkakasama sa pelikula nina Jennylyn at Dennis Trillo.

"Okey naman sila. Konti lang ang eksena namin [ni Dennis], pero naging smooth naman ang takbo ng shooting. 

"Lagi rin naman kaming nagkikita sa mga gatherings kaya walang problema.

"Sana, lahat ng mga kasaling pelikula sa Metro Manila Filmfest, suportahan.

"Sa mga ganitong panahon lang naman dumarating ang pagkakataon na puwedeng suportahan 100 percent ang industriya natin," saad niya.

POLITICS. Walang ginawang pelikula si Yul sa buong 2009 dahil, aniya, "preparasyon 'yon sa pagkandidato ko uli." 

Mapalad naman at nanalo uli bilang konsehal si Yu, na nag-No. 2 sa mga kumandidato.

1  2  3  Next »

Related Articles

14 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name