"Basta ako, masaya ako na maraming trabaho. Hindi na rin ako sanay na hindi busy, so masaya ako na busy," says Jake Cuenca.

Photo: Noel Orsal

Nagawang bunuin ni Jake Cuenca ang kaliwa't kanan niyang schedules ngayong papalapit na ang Pasko.

Tatlong pelikula at isang TV show ang halos sabay-sabay na ginagawa ng Kapamilya actor.

Naipalabas na ang indie film niyang H.I.V. at ang 2010 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Super Inday and the Golden Bibe.

Malapit na ring matapos ang pelikula niya kasama sina Aga Muhlach at Angel Locsin, ang Huling Sayaw, mula sa Star Cinema.

Kasabay nito ang pagte-taping niya sa upcoming primetime series ng ABS-CBN na Green Rose, kunsaan kasama niya sina Jericho Rosales at Anne Curtis.

Ayon kay Jake, "Bale yung sa Star Cinema na lang po at yung Green Rose naman, baka habang ineere, tapos na rin kami ng taping dahil karamihan, mga Korea locations na lang. 

"Yun nga lang, may gagawin akong next soap, although medyo confidential pa—after Green Rose.

"Kaya baka habang umeere ang Green Rose, ginagawa ko naman ang susunod na soap.

"Pero siyempre, ako naman po, naniniwala lang ako kapag umere na. Kasi minsan, kahit nagti-taping na, hindi pa rin natutuloy. 

"Basta ako, masaya ako na maraming trabaho. Hindi na rin ako sanay na hindi busy, so masaya ako na busy."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jake sa pocket presscon niya kahapon, December 15, sa Imperial Palace Suites sa Timog Avenue, Quezon City.

MMFF MOVIE. Bilang cast member ng Super Inday and the Golden Bibe, nakakaramdam din ba si Jake ng pressure dahil sa ibang malalaking pelikula na kasama sa MMFF?

"Maraming mabibigat na pelikulang ipapalabas ngayong festival," pag-amin ng young actor.

"Pero ako kasi, nag-enjoy kami sa pelikulang ito. Yung proseso ng pagkakagawa ng pelikula, talagang tawa lang kami nang tawa. Pinaghirapan po namin 'to.

"So, siguro, kung meron man pressure, huwag na lang isipin kasi talagang confident kami.