Sa isang private resort sa Boracay ise-celebrate ng StarStruck V Avenger at Survivor Philippines Celebrity Showdown castaway na si Princess Snell ang kanyang Christmas.
Kasama ni Princess ang kanyang boyfriend na isang Australian national, ilang mga kaibigan niya, at ang kanyang mother. Ayon sa young actress, hindi magiging kumpleto ang Christmas niya kung hindi niya kasama ang kanyang ina.
"Gusto ko kasi na maiba naman ang Pasko namin ni Mommy. Parati na lang kasi kaming sa Laguna tuwing sasapit ang Pasko. Kaya sa Boracay kami this year," sabi ni Princess nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa GMA Network Center kahapon, December 23.
Dagdag niya, "Okey naman ang mga naging trabaho ko sa taong ito at treat ko na rin ito sa mommy ko. Ayoko rin na mahiwalay kay mommy sa Pasko.
"Inisip ko na malulungkot siya kapag wala ako sa bahay namin sa Laguna. Kaya kailangan na magkasama kami.
"Pero babalik naman ako sa December 27, kasi may taping ako ng Tween Hearts. Tapos may New Year's countdown pa ang GMA-7 kaya dapat present kaming lahat na taga-StarStruck doon."
CONTROVERSIAL. Isa si Princess sa naging kontrobersiyal na baguhan sa taong 2010.
Bukod sa pagiging kontrobersiyal niya sa StarStruck V kunsaan nakaaway niya ang co-Avenger niya na si Rox Montealegre, nasangkot pa siya sa ilang issues. Kasama na rito ang pagkukuwestiyon sa kanyang tunay na edad, ang pagpakakaroon niya ng mamahaling condo na regalo raw ng isang kilalang politician, at pag-quit niya ng maaga sa Survivor Philippines dahil sa gutom.
"Oo nga pala, ang dami kong pinagdaanan na issues!" natatawang sabi ni Princess.
"Pero kilala n'yo naman ako, sinasagot ko naman lahat 'yan. Ayoko rin kasi na lumabas akong echosera or sinungaling.
"Kung may issue, sinasagot ko talaga, tulad sa edad ko, ang tungkol sa condo ko, at ang pag-quit ko sa Survivor Philippines. Wala naman akong hindi sinagot nang maayos, e."
ERVIC VIJANDRE. Kailan naman ay nabalita na galit na galit siya sa kapwa niya castaway sa Survivor Philippines Celebrity Showdown na si Ervic Vijandre. Ito ay dahil inaway at sinuntok daw ni Ervic ang Australian boyfriend ni Princess sa Republiq sa Resorts World Manila.
Inamin ni Princess na hanggang ngayon ay hindi pa niya nakakausap si Ervic pagkatapos ng nangyaring gulo sa Republiq. Wala rin daw siyang natatanggap na sorry mula kay Ervic.
"Para naman kasing wala siyang balak na mag-sorry talaga sa akin, e, kaya wala akong ini-expect mula sa kanya talaga," sabi ni Princess.
"Ang tao naman kung may sincere siyang balak na humingi ng sorry sa 'yo, gagawa 'yan ng paraan para magawa niya 'yon.






merry christmas all!!!
Siya yung bagong babae nung isang politician. haha
Bakit naman magsosorry si Ervic sayo eh sabi nung pinsan ko na nandun sa bar kitang kita daw ng mga tao na kasalanan mo yung nangyari.
And may mga accounts pala dito si Princess. Kaloka. Princesss when you read this comment, oist, mahiya ka naman. Nagpretend ka pang pepster para lang purihin ang sarili mo. Hahaha