PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dennis Trillo bonds with girlfriend Jennylyn Mercado and their sons in Hong Kong

Dennis reunites with crush Heart Evangelista on "Dwarfina."
by Ruel J. Mendoza
Published Jan 8, 2011
"Marami na kaming alam sa isa't isa. At kung ano ang naging problema namin noon, alam naming malalagpasan namin lahat 'yon kasi may tiwala na kami sa isa't isa at magtutulungan kami," says Dennis Trillo about girlfriend Jennylyn Mercado after their vacation in Hong Kong.

Fully-charged and rested si Dennis Trillo pagkagaling niya sa kanyang Christmas at New Year vacation sa Hong Kong.

Kasama ni Dennis sa bakasyong ito ang girlfriend na si Jennylyn Mercado, ang anak ng aktor kay Carlene Aguilar na si Calix Andreas, ang anak ni Jennylyn kay Patrick Garcia na si Alex Jazz, at ilang miyembro pa ng kanilang pamilya.

Bitin nga raw ang bakasyon ni Dennis dahil gusto niya pa sanang mag-extend. Pero kinakailangan na niyang makabalik ng Pilipinas dahil sa taping ng bagong telefantasya ng GMA-7, ang Dwarfina, kunsaan katambal niya si Heart Evangelista.

BONDING IN HONG KONG. Sa press launch ng Dwarfina last January 4 sa Studio 7 ng GMA Network Studios, ikinuwento ni Dennis ang bakasyon nila ni Jennylyn sa Hong Kong kasama ang kani-kanilang mga anak.

"Natuwa kami ni Jen kasi magkasundung-magkasundo ang mga bata," nakangiting sabi ni Dennis.

"Kasama namin silang nag-shopping, kumain sa mga restaurants, sa ilang pasyalan doon. Pinaka na-enjoy nila yung Hong Kong Disneyland.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kahit sobra ang lamig, makikita mo ang excitement nung mga bata. Lalo na si Calix kasi takbo nang takbo. Tuwang-tuwa siya sa Disneyland."

Nag-worry lang si Dennis dahil biglang nagkasakit si Calix sa sobrang lamig sa Hong Kong. Dinala pa nila sa ospital ang bata dahil mataas ang lagnat nito.

"Noong mapansin namin na parang matamlay na, doon namin nalaman na nilalagnat na pala. Kaya itinakbo namin agad sa ospital.

"Noong mabigyan ng gamot, after three or four hours, nawala na ang lagnat niya. Parang nagdahilan lang.

"Sabi ni Jen, huwag na naming palabasin kasi sobrang lamig talaga. Sa tinutuluyan na lang namin na hotel naglaro ang dalawa para hindi sila magkasakit.

"Si Jen ang nagbantay sa mga bata habang lumabas ako at may mga binili with my family. Natuwa naman ako kasi she didn't mind na maiwan sa mga bata.

"Besides, nilalamig din kasi si Jen kaya mas gusto niyang maiwan na lang sa hotel," kuwento ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SOLO TIME. Nagkaroon din ng solo time sina Dennis at Jennylyn habang nasa Hong Kong sila. Marami raw silang pinag-usapan at pakiramdam ni Dennis ay mas tumibay ang pagsasama nila ngayon.

"We talked about so many things at doon ko masasabi na sobrang strong na ang bonding namin ni Jen," sabi niya.

"Marami na kaming alam sa isa't isa. At kung ano ang naging problema namin noon, alam naming malalagpasan namin lahat 'yon, kasi may tiwala na kami sa isa't isa at magtutulungan kami.

"Siyempre, pinag-usapan din namin ang tungkol sa mga bata at yung magiging future nila. Kaya maganda ang bakasyon namin, very memorable ang lahat."

HULA-HULA. Dahil sa pagbabakasyon nila ni Jennylyn sa Hong Kong, ang bumungad kay Dennis sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas ay ang hula na mabubuntis daw niya si Jennylyn.

Natawa na lang si Dennis dahil hindi raw magkakatotoo ang hula na iyon.

Aniya, "Ilang beses na kasi akong hinulaan in the past, hindi naman nagkatotoo. Parating, 'Uy, mag-ingat ka kasi mangyayari sa iyo ang hula na ito!'

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ako naman, hindi ko iniintindi. Kung mangyayari, mangyayari na lang, e. Hindi ko dapat hintayin.

"Sa akin kasi, depende sa taong naniniwala sa hula. Kung naniniwala ka talaga, puwedeng mangyari kasi doon ka na umikot sa hula na iyon, e.

"Ngayon, kung wala lang sa iyo, I guess walang mangyayari. Hindi ka kasi nakaka-attract ng mga gano'ng vibes.

"Basta normal lang ang takbo ng buhay ko at hindi ko iniisip ang mga hula-hula na 'yan."

Dahil Chinese family ang pinanggalingan ni Dennis (Abelardo Dennis Florencio Ho sa tunay na buhay), marami rin siyang pinaniniwalaan na mga pamahiin at hula.

Pero lumaki si Dennis sa modernong mundo at sa pagdadasal daw siya nakakakuha ng lakas sa araw-araw na ginagawa niya.

"Sa family namin, naniniwala kami sa mga tradisyon. Nirerespeto namin 'yon. Pero sa ganitong mundo na ako lumaki at may sarili na akong paniniwala.

"Mas powerful sa akin ang pagdadasal talaga. Lahat naman ng nangyayari sa akin, nandiyan parati ang Diyos para hingan ko ng tulong."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong 2010 ay naging very blessed si Dennis.

Nakagawa siya ng tatlong TV dramas: Gumapang Ka Sa Lusak, Endless Love, at Jillian: Namamasko Po. Naging regular din siya sa Bubble Gang at Party Pilipinas.

Bago matapos ang 2010 ay pumirma siya ng kontrata with Regal Films, kunsaan gagawin niya ang maraming pelikula, tulad ng Mahinhin vs. Mahinhin with Ogie Alcasid and Glaiza de Castro, at ang matagal nang project na The Other Man.

WORKING WITH HEART. Sa pagpasok ng 2011, kasama si Dennis sa pambuena mano ng GMA-7, ang Dwarfina. Magsisimula itong umere sa Lunes, January 10.

Natutuwa siyang si Heart Evangelista ang katambal niya rito.

"Twice pa lang kami nagkakatrabaho ni Heart, pero masarap siyang kasama," sabi ni Dennis.

Unang nagkatambal sina Dennis at Heart sa isang episode ng Dear Friend, at nasundan ito sa pelikulang Mano Po 6.

Dagdag ni Dennis, "Si Heart yung akala mo na sobrang sosyal, pero once you get to know her, sobrang down-to-earth na tao. Lahat ng tao kinakausap niya at hindi siya namimili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kung sino ang lumapit sa kanya para magpa-picture or magpa-autograph, pinagbibigyan niya. Gano'n siya kabait na tao.

"Kaya noong sabihing magkakasama kami, siyempre natuwa ako kasi inaamin ko naman na crush ko pa rin siya.

"Alam naman ni Jennylyn 'yon, e, kaya walang intriga diyan!" sabay tawa niya.

Ang maganda pa raw sa pagsasama nila ni Heart ay hindi sila matsitsismis dahil pareho silang may karelasyon ngayon.

"Sabi nga nila, we are both in love...pero sa ibang partners.

"Alam naman ng lahat ang tungkol sa amin ni Jen. At siyempre, si Heart at si Daniel [Matsunaga]. Kaya walang puwedeng matsismis sa amin," sabi ni Dennis, sabay ngisi.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Marami na kaming alam sa isa't isa. At kung ano ang naging problema namin noon, alam naming malalagpasan namin lahat 'yon kasi may tiwala na kami sa isa't isa at magtutulungan kami," says Dennis Trillo about girlfriend Jennylyn Mercado after their vacation in Hong Kong.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results