"The reason why I testified was because there was a conviction in my heart that something has to be said, because nobody believed that he left the country at all," says Gary Valenciano (in photo) about testifying for Hubert Webb at the height of the Vizconde murder case.

Photo: Glen P. Sibonga

Isa si Gary Valenciano sa naging testigo noon sa Vizconde murder case.

Pinanindigan ng singer na wala umano sa Pilipinas ang prime suspect na si Hubert Webb noong maganap ang krimen. Nagkita raw kasi sila ni Hubert sa U.S. noong panahon yun.

At noon ngang December 14, 2010 ay na-acquit si Hubert at ang iba pang suspects sa malagim na krimen pagkatapos ng 15 taong pagkakakulong. (CLICK HERE to read related story.)

THE WITNESS. Sa taped interview ng Startalk kay Gary na ipinalabas kahapon, January 8, ay nagbalik-tanaw siya sa kanyang ginawang pagtetestigo para kay Hubert.

"The reason why I testified was because there was a conviction in my heart that something has to be said, because nobody believed that he left the country at all.

"How can I possibly believe that, when I saw him? I was talking to him, we were talking about the NBA. His father [Freddie Webb] is a basketball player and I love basketball.

"And I was talking to him, 'You play basketball also?' And he said 'Yeah, I do!'

"And you know, it was like that, that's it.

"You know, just to give a little information na nakita ko siya, you know, in the States. I said, 'Yeah, but I saw him!'

"The thing is nobody believed that he left. And there was peace in my heart."

Sabi pa ni Gary, kinausap niya noon si Mr. Lauro Vizconde pagkatapos niyang tumestigo. Si Mang Lauro ang asawa at ama ng mga pinaslang na sina Estrellita, Carmela, at Jennifer Vizconde.

"At the same time, I went up to Mr. Vizconde after that. I went up to him and I said, 'Mr. Vizconde, I'm like you, I also want to know exactly what happened here, and I'm praying that someday, you will actually find solid evidence and proof of it all."

MANG LAURO'S MESSAGE TO GARY. Sa hiwalay na panayam ng Startalk kay Mang Lauro ay hiningan siya ng pahayag tungkol sa naging testimonya noon ni Gary.

"I have nothing against Gary when he testified," sabi niya.

"E, yun namang testimonya niya, e, wala naman ding naitulong [sa kaso], hindi binigyan ng probative value ng ating lower court, pagkat nakita nila na yung testimonya niya, e, malayo dun sa pangyayari nung maganap yung krimen.