PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kristine Hermosa and Oyo Sotto wed in Batangas

Family members and friends were there to witness the special moment.
Published Jan 23, 2011
Kristine Hermosa and Oyo Sotto exchanged vows yesterday afternoon, January 12, at Club Balay Isabel, Talisay, Batangas.

Kasal na sina Kristine Hermosa at Oyo Boy.

Kahapon, Enero 12, ginanap ang kasal sa Club Balai Isabel sa Talisay, Batangas, ayon sa report ng ABS-CBN News.

Dumalo sa espesyal at pribadong seremonya ang buong pamilya ni Oyo at lumipad naman mula pa sa Canada ang pamilya ni Kristine.

Espesyal ang petsang ito dahil ipinagdiwang din ni Oyo (Vittorio Mari Sotto) ang kanyang ika-27 na kaarawan. Magkasing-edad sila ni Kristine (Kristine Hermosa Orille), na ipinanganak noong September 9, 1983.

Kasama sa principal sponsors ng dalawa ang ABS-CBN president na si Charo Santos-Concio at ang head ng Star Magic na si Johnny Manahan.

Nagkakilala ang dalawa sa shooting ng unang Enteng Kabisote noong 2004, kung saan gumanap si Kristine na asawa ng ama ni Oyo na si Vic Sotto.

Nagsimula naman sila mag-date noong 2006, habang ginagawa ang pangatlong Enteng Kabisote.

Noon namang Setyembre 9, 2009, ika-26 na kaarawan ni Kristine, nag-propose si Oyo sa aktres. Agad nila itong ipinaalam sa kanilang mga magulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Mayo 2010 ay pumunta sa Canada si Oyo para mamanhikan sa mga magulang ni Kristine.

Nauna nang ikinasal si Kristine sa aktor na si Diether Ocampo noong Setyembre 2004 sa V. Luna, Quezon City.

Noong Hunyo 2005, nag-file ng annulment si Kristine dahil sa kawalan ng marriage license. Noong Pebrero 2009 na-grant ng Court of Appeals ang annulment ng dalawa. (CLICK HERE to read related story.)

Si Oyo naman ay nagkaroon ng ugnayan noon sa mga aktres na sina Alessandra de Rossi, Anne Curtis, Nadine Samonte, at Angel Locsin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kristine Hermosa and Oyo Sotto exchanged vows yesterday afternoon, January 12, at Club Balay Isabel, Talisay, Batangas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results