Yasmien Kurdi gets emotional as Baron Geisler again fails to show up at the arraignment of her case against him

Rose Garcia
Monday, January 17, 2011 @ 03:45PM  |  115 views

 

"Everytime na dumarating ang trial, nagiging emotional ako dahil naaalala ko isa-isa na nangyari noong araw na yun. Yun lang simpleng public apology, mag-sorry na lang din sa mga fans ko. Yung mga fans ko, churchmates ko, nasaktan lahat sa ginawa niya," says Yasmien Kurdi about the acts of lasciviousness and unjust vexation case she filed against Baron Geisler (inset).

Photo By: Noel Orsal













Naiyak si Yasmien Kurdi habang ini-interview ng StarTalk dahil sa hindi pagsipot ni Baron Geisler sa arraignment at pre-trial ng kasong isinampa ng young actress laban sa aktor.

Matatandaang nagsampa ng kasong acts of lasciviousness at unjust vexation si Yasmien laban kay Baron noong May 2009 dahil sa ginawa diumanong pambabastos sa kanya ng aktor sa set ng TV series na Suspetsa sa GMA-7 noon. (CLICK HERE to read related story.)

Ang kaso ay dinidinig sa Bocaue Municipal Court dahil sa naturang bayan ng Bulacan naganap diumano ang insidente.

Ang dahilan na ibinigay ng abugado ni Baron na si Atty. Bonifacio Alentajan sa hindi pagsipot ng kanyang kliyente ay ayaw raw itong pakawalan ng direktor sa taping ng ginagawa nitong serye.

Sinabi rin ng lawyer ni Baron na gusto raw ng aktor na dumalo sa proceedings at nang matapos na ito.

"Ang gusto pa nga ni Baron, mag-file pa kami sa mataas na hukuman, dahil sa aming pananaw, yung information nito of charging him of act of lasciviousness, kulang. Kulang ang allegation.

"Parang yung act of lasciviousness, parang hindi natuloy na rape 'yan. So, pare-pareho halos ng rape at act of lasciviousness ang mga elements.  There must be force, violence or intimidation.

"Kung accusation, walang nagbabanggit na force, violence or intimidation. Basta lang gumano'n or hinalikan. E, puwede namang halikan na hindi krimen, e," sabi ni Atty. Alentajan.

Para naman sa abugado ni Yasmien na si Atty. Ferdinand Topacio, isang "victory" ang hindi pagsipot ni Baron sa arraignment at pre-trial ng kasong isinampa ng kanyang kliyente.

Paliwanag niya, "Kasi, ang nais lang naman namin na mangyari noong una ay huwag na munang pasiputin si Ginoong Geisler. Hanggang yung apela nila sa Regional Trial Court tungkol sa pag-deny ng kanilang apela ay natatapos. 

"Pero, iginiit ko na wala naman sa batas na porke't ikaw ay umapela, hindi na sisipot sa husgado upang i-arraign."

Dahil sa hindi na naman pagsipot ni Baron, na-reset ang arraignment at pre-trial sa January 19.

EMOTIONAL YASMIEN. Para naman kay Yasmien, malaking hassle sa kanya ang hindi pagsipot ni Baron sa pre-trial nila ng kasong isinampa niya laban dito.

"Siyempre, hassle 'to, kasi may klase rin ako. I mean, araw-araw rin po ang klase ko. Nakaka-stress din po, kasi examination pa naman next week.  

"At dahil hindi siya dumating ngayon, ano yun, e, kapag may taping ka, puwede ka namang magpaalam. Importante 'tong araw na 'to, lalo na korte," sabi ni Yasmien, na nag-aaral sa New Era University.

1  2  Next »

Related Articles

29 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name