news

Vhong Navarro admits he can fall in love with Bulong co-star Angelica Panganiban

by Mark Angelo Ching posted on January 18, 2011  STATS: 1610 Views | 10 Comments

Vhong Navarro says he and the cast of Bulong did not experience anything eerie while shooting the film.

 

"Wala, wala. So far, wala naman. Baka sa part two. Wop. May part two?" joked Vhong.

 

Photo By: Sany Chua

Masayang-masaya ang dancer turned comedian na si Vhong Navarro dahil kasama siya sa unang pelikula ng Star Cinema para sa 2011. Ito ay ang Bulong, isang horror-comedy starring Vhong, Angelica Panganiban, at Bangs Garcia. Idinirek ito ni Chito S. Roño.

Sa presscon ng Bulong kagabi, January 17, sa Dolphy Theatre sa ABS-CBN, ikinuwento ni Vhong sa entertainment press ang experiences niya working with Angelica.

Hanga raw si Vhong sa professionalism ng young actress sa set.

"Sobrang saya, para kaming naglalaro lang sa set," kuwento ni Vhong. "Kasi kaibigan ko si Angelica. Eto yung time talaga na nakatrabaho ko siya nang mahaba.

"Nakakatuwa kasi professional. Parang pag pinaarte, kung anong pagawa ni Direk Chito or magsa-suggest ka, talagang ginagawa niya, kaya nakakatuwa."

Tanong ng press kay Vhong, nakaramdam ba siya ng pagtingin kay Angelica habang nagsu-shooting?

Bakit daw hindi, sagot ni Vhong. Dagdag niya, "Bukod sa maganda, talagang ang hirap kasing hanapin na ang galing mo pang magpatawa."

E, pagnanasa kaya?

"Kasama na yun," pag-iwas ni Vhong. "Kung may pagmamahal, kasama na yun."

Pero magkapatid naman at hindi magkasintahan ang role nina Vhong at Angelica sa Bulong. Kaya sabi ni Vhong, dapat ang abangan ng mga manonood ay ang mga katatawanan na maibibigay nila ni Angelica.

"Abangan nila yung mga punchline, mga hiritan naming dalawa, yung pagsasama namin dito sa Bulong," saad ng komedyante.

TAKOT SA MULTO. Ang Bulong ay tungkol sa Filipino legend na pagbulong ng hiling sa tenga ng patay para magkatotoo ito. Ayon kay Vhong, hindi raw siya pamilyar sa paniniwalang ito bago niya ginawa  ang pelikula. Kay Direk Chito niya raw ito unang nalaman.

Saad niya, "Hindi ko alam ang bulong. Nalaman ko na lang kay Direk Chito ang bulong, na may mga ganun palang mga pamahiin. Na-excite ako kasi meron pala tayong ganun.

"Marami pala tayong mga pamahiin na wala ang ibang bansa. Yun yung lamang natin.

"Ang alam ko lang kasi pag may patay, hinahakbang ang bata, di ba, yung mga ganun, para hindi raw dalawin o bisitahin.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

10 Comments

  • 10  sasha19

    01/18/2011 | 04:31 PM
    oo nga..lahat na lang..in love ka..e nung interview mo with Toni Gonzaga..parang sa tinatakbo ng interview..parang binuko kan ni Toni na meron ka ng girlfriend or asawa or whatever. parang tingin ko..nag iba na si Vhong kesa dati. parang showbiz at magimik na din kung sumagot. wala ka na din makuhang diretsong sagot sa taong to. feeling biggie star..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • stephaniefrommillbrae

    01/18/2011 | 02:42 PM
    Gimmick
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • humandynamics

    01/18/2011 | 12:14 PM
    ??????
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • franzky73

    01/18/2011 | 12:12 PM
    Like ko to
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • humandynamics

    01/18/2011 | 12:11 PM
    honestly, i dont know what they see in him. wala akong makitang ka-akit-akit kay vhong navarro. but who knows, maybe he's a nice guy, but then again if thats the case bakit wala siyang relasyon na tumatagal? chick magnet daw haha..alam niya kasing pangit siya kaya nangongolekta rin ng babae to feed his insecurities and ego. a dolphy wanna be.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • badjaobabe

    01/18/2011 | 12:02 PM
    pwede ba star cinema, kaka umay tong mga ganitong gimik
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gossip_to_the_max

    01/18/2011 | 11:42 AM
    Mukhang okey itong palabas na ito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • rotoscaper

    01/18/2011 | 11:27 AM
    lahat nna lang in love ka. labo. pag gusto mo, gawin mo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • littlebunnies

    01/18/2011 | 10:15 AM
    I saw the trailer sa movie theater, nagsigawan at nagtawanan talaga yung mga tao sa mga eksena. SUper hit ito for sure!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • zereena

    01/18/2011 | 09:24 AM
    tyak patok sa takilya...ang magsabing flop,,bitter and haters...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About