Ryza Cenon says non-showbiz boyfriend does not meddle with her showbiz career

Rose Garcia
Wednesday, January 19, 2011 @ 04:18PM  |  11693 views

 

"Hindi ko pa rin siya kaya. Ang hirap kasing pumasok sa isang commitment na wala naman do'n ang puso mo. Parang ang hirap. Kaya hindi ko muna siya inoohan," says Ryza Cenon about doing sexy pictorials.

Photo By: Noel Orsal













Isa si Ryza Cenon sa leading ladies ni Aljur Abrenica sa Machete. Pero siya ang lumalabas na kontrabida kina Aljur at Bela Padilla kahit siya ang sculptor na lumikha kay Machete at na-in love nang husto rito. 

Isa ito sa ipinaliwanag ni Ryza sa ginanap na press conference ng Machete kagabi, January 18, sa Studio 7 ng GMA Network Studios.

"Dahil nga po sa plug shoot namin, kasi, ako yung gumawa, e. Pero sila [Aljur and Bela] po talaga, istorya nila 'to. Kumbaga, yung love story nina Machete [at Aginaya] ang ipapakita rito."

Gaano ba kaseksi si Ryza bilang si Marla dito sa Machete?

"Slight lang, slight lang!" natatawa at tila nahihiyang sagot ni Ryza.

"Hindi naman ganoon ka-daring. Siyempre, sisilipin tayo ng MTRCB [Movie and Television Review and Classifacation Board] kapag sobrang daring."

Ayon kay Ryza, na-shoot na ang ilang kissing scenes nila ni Aljur.

"Bad trip nga. Kasi noong tine-tape namin yun, medyo masama ang pakiramdam ko. Wala ako sa anong umarte. So, hindi ko siya [Aljur] masyadong na-maniac!" natatawang biro niya.

Bukod kay Ryza, ang isa pang leading lady ni Aljur sa Machete ay si Bela Padilla. Bago pa lang din si Bela na maituturing sa Kapuso network. Si Ryza naman ang Ultimate Female Survivor ng second batch ng StarStruck.

CHARACTER ROLES. Okay lang ba kay Ryza na tila support lang siya sa team-up nina Aljur at Bela dito sa Machete?

"Okay lang po yun," sagot ni Ryza.

"Maganda naman po ang exposure ko dito. At saka, part ako ng kuwento na ako ang gumawa kay Machete. 

"Kung wala ako, wala sila Machete. Hindi nila magagawa ang show. Etchos!" biro pa niya.

Dagdag ni Ryza, "Kasi, kanya-kanyang oras 'yan. Siguro sila, oras nila ngayon, so okay lang."

Kapansin-pansin na tila kina-career na ni Ryza ang pagganap sa character roles. Una sa Langit sa Piling Mo at nasundan sa Koreana.

1  2  3  Next »

Related Articles

19 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name