Gardo Versoza is bow busy with two shows on ABS-CBN: the afternoon action series Bianong Bulag and the upcoming primetime series Green Rose.

Photo: Noel Orsal

Back to work na si Gardo Versoza matapos ang malungkot na pangyayaring biglaang pagpanaw ng kanyang ina na si Mrs. Purisima "Baby" Luchangco Torres Polintan last December 10. (CLICK HERE to read related story.)

Ika-40 days ng pagpanaw ng ina ni Gardo at ng kapatid niyang si Elite Polintan, who's now U.S.-based, noong January 19. Nagpamisa muna ang aktor para sa namayapa bago tuluyang sumabak uli sa trabaho.

Nalulungkot man at madalas ay nami-miss pa rin ang kanyang ina, nilalabanan ni Gardo ang damdamin para sa ikaaayos ng sarili.

"Kailangang mag-move on, hindi na tayo bumabata," sabi ni Gardo nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa telepono last January 25.

TWO KAPAMILYA SHOWS. Dalawa ang kinatatampukang teleserye ngayon ni Gardo sa ABS-CBN—Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla, Sr. Presents Bianong Bulag na nagsimula ang airing last week, at Green Rose na isasahimpapawid simula February 14.

Sa Bianong Bulag, papel ng isang martial arts instructor na nagsanay sa magkapatid na Jason Abalos (sa title role) at Joem Bascon ang naitoka kay Gardo. May kinalaman ang character niya sa sinapit ng magkapatid na napatay ang amang pulis (Dominic Ochoa) at nakatakdang maghiganti.

"Kontrabida siya, pero tahimik yung character," sabi ng 41-year old actor, who informed us of the immediate follow-up to the action series. "Mabilis lang yung kuwento nito, then yun nang kay Jolo [Revilla] ang isusunod. Baka this whole month lang."

Patapos na rin ang taping ng Green Rose, na pagbibidahan nina Jericho Rosales, Jake Cuenca, at Anne Curtis. 

Corporate world ang setting ng romantic soap opera kunsaan ginagampanan ni Gardo ang papel bilang isang company vice president na makakatunggali ni Ricardo Cepeda (who plays Anne's dad) at magiging hadlang sa kanyang pag-angat sa corporate ladder.

Kumusta naman ang taping nila at mga kasama sa Green Rose?

"Smooth naman, maayos ang scheduling ng mga artista," sabi ni Gardo, who's now with girlfriend Ivy Vicencio sa pamamahala ng kanyang propesyon.

Ayon kay Ivy, three times a week ang scheduled taping nila. "We start at 7 a.m., matatapos yun ng 5 a.m. the next day."

Wala namang reklamo ang mag-partner, o kahit nakakaapekto din sa health nila ang grabeng puyat.

"After his mom died at nang mailibing, then after the holidays, two weeks nagkasakit si Gardo," banggit ni Ivy. "Bumigay yung katawan niya sa puyat, sa stress. Buti naka-recover na rin siya."

MOVING ON. Without his mom now, and with the company of Ivy, life goes on for Gardo. Hindi raw siya puwedeng magmukmok na lang dahil sa mga naiwang commitments at pag-aalaga ng malalaking aso na nasa iba't ibang parte ng kanilang bahay sa Pasig City.