Tirso Cruz III easily transforms into his drag-queen role once surrounded by gays

Rey Pumaloy
Wednesday, February 02, 2011 @ 05:05PM  |  76 views

 

"Kailangan i-ano ko lang yung mindset ko na pag nilagyan na ako ng makeup... mga one-hour and a half yung makeup namin, basta pag naka-makeup na ako, in character na ako, bading na ako," says Tirso Cruz III about his gay character in I ♥ You Pare.

Photo By: Noel Orsal & GMA-7













Aminado si Tirso Cruz III na humingi siya ng guidance ni Direk Andoy Ranay para sa gay role niya sa bagong primetime series ng GMA-7 na I ♥ You Pare.

Sa tagal na raw kasi niya sa industriya, ngayon lang siya nakagawa ng all-out gay role sa isang TV series.

"I'm still in the learning process, e," sabi ni Pip sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng I ♥ You Pare noong Lunes, January 31, sa Boiler Room sa Riverbanks Marikina.

"Ako nga, very dependent nga kay Direk Andoy. Sabi ko nga, 'Direk,  ha, bantayan mo kami baka nalalaglag kami sa character.' Or, 'Direk, you help us out sa lingo, yung gay lingo, the way we move, the way we react. Mga kyundian [landian] namin para talagang believable. 

"Kasi siyempre, mahirap yung gano'n na lalabas ka at magpapanggap ka. Kung hindi saleable yung pagpapaganggap mo, hindi ka makakatulong sa show at sa whole ensemble, di ba?" paliwanag ng veteran actor.

MAKEUP, HEELS, & WIG. Maliban sa pagsusuot ng mataas na heels at sa consistency ng kanyang character, wala na raw ibang naengkuwentro pang hirap si Pip sa kanyang role.

"Kailangan i-ano ko lang yung mindset ko na pag nilagyan na ako ng makeup...mga one-hour and a half yung make-up namin, basta pag naka-makeup na ako, in character na ako, bading na ako. 

"And then, alam mo pag dito na kami sa Boiler. Yun pa lang 20 drag [queens] na nandito, tapos yung mga staff namin, so talagang kahit saan ako bumaling, ang dali kong kumopya.

"Kumbaga, ang dali kong ma-influence, lalo na kapag nakikita kong naggagalawan na yung mga kasama ko dito sa set. Lalo na yung ready na silang mag-show, naglalandian na sila.

"Yun nga lang, yung kailangan nga lang, talagang i-guide or bantayan kami kasi baka medyo nawawala na or baka sobra na."

Laking pasasalamat naman ni Pip na hindi na siya ni-require ng serye ng mag-tuck in ng kanyang kaselanan gaya ng ginawa ni Ryan Agoncillo nang gawin nito ang serye niyang Lady Dada sa TV5 noong nakaraang taon.

"Hindi naman kinailangan, pero may mga damit kami na minsan nakikita or bumabakat si Junjun!" tawa niya.

"Minsan pinapalagyan naming ng belt para hindi makita, or yung clothes tinutupi namin. Hindi pa naman ako nagsusuot ng tights. Pero leggings, oo, pero nilalagyan naman kami ng mahabang dress.

"Ang dusa lang yung makeup, heels, and wig. Di ba, mula umaga hanggang gabi naka-wig kami? Kaya nga minsan, kapag umaga kami nag-umpisa, pagdating ng lunch break, 'Puwede bang alisin muna?'

"Yun, pag-alis mo no'ng wig, parang nakahinga yung ulo namin. Tapos ang kati! Kutkut kami nang kutkut sa ulo namin, kamot kami nang kamot. 

1  2  3  Next »

Related Articles

11 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name