"Mahal ko siya bilang kaibigan. Napaka-unpredictable niyang tao. Hindi mo siya mababasa, hindi katulad ng ibang babae," says John Manalo about Kathryn Bernardo.

 

Photo: Noel Orsal

"For me, she's one of a kind," pag-amin ni John Manalo tungkol sa nararamdaman niya para kay Kathryn Bernardo. 

Inamin ito ng teen actor sa harap ng entertainment press na pumunta sa press conference ng Mara Clara kagabi, February 2, sa 9501 restaurant sa ABS-CBN compound.

Pero sabi ng young actor, hindi naman siya nagmamadali upang ligawan ang kanyang co-star niya sa top-rating teleserye na Mara Clara.

"Naniniwala ako na pag mahal mo ang tao, gagawin mo ang lahat para sa kanya. Inaamin ko na malalim akong tao... natatakot po ako hindi na ma-reject, natatakot ako na dahil bata pa ako, hindi ko pa mabigay lahat. Lahat tayo may sari-sariling buhay at kailangan mo munang i-enjoy ang childhood mo. Hindi mo na mababalikan ito, e."

Ayon kay John, Goin' Bulilit days pa lang nila ay gusto na niya si Kathryn. "Pero kailangang pigilan para walang ilangan sa set," sabi ng dating child actor.

Noong 2010 pa raw niya inamin kay Kathryn ang nararamdaman niya. Aniya, "Sinabi ko na po sa kanya, pero hindi niya ako pinaniniwalaan.

"Ako po kasi ang klase ng tao na palabiro, jolly, so hindi nila ako sineseryoso. Inaamin ko pong napaka-spontaneous kong tao...sobrang bilis po ang takbo ng utak ko, minsan ako rin naguguluhan."

Ano ba ang nagustuhan niya kay Kathryn?

"Mahal ko siya bilang kaibigan," sagot ni John. "Napaka-unpredictable niyang tao. Hindi mo siya mababasa, hindi katulad ng ibang babae."

Paano ba ang style niya ng panliligaw?

"Kung manliligaw man ako, gusto ko yung old-fashioned kasi gusto ko kung ano ang naranasan nung mga magulang namin, gusto ko yun din ang maranasan namin. Hindi ako pabor sa text-text," sabi niya.

Nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung kailan niya plano manligaw nang pormal kay Kathryn, ito ang naging sagot ng binata: "Nangako ako sa mama ko na pag 18 ako. Fifteen na ako ngayon, so three years na lang."

KATHRYN'S REACTION. Nang tanungin naman si Kathryn  para sa kanyang reaction sa inamin ni John, sinabi ng young actress, "Isang malaking pasabog 'yan ngayong gabi. Nagulat ako! Kasi parang best friends po kami. Since bata po kami, parang magkapatid kaming dalawa. Thank you."

Dagdag pa niya, "Alam naman po ni John na priority ko ang career ko 'saka school ko."

May pag-asa ba si John kapag nanligaw sa kanya?