"Who will not fall in love with someone who makes you laugh every day? Hindi mahirap ma-in love sa katulad ni Alex. Kasi rock and roll ang buhay mo pag si Alex ang kasama mo," Jericho Rosales said about his Green Rose co-star Alessandra de Rossi.

Photo: Noel B. Orsal

Naging masaya ang presscon ng Green Rose kahapon, February 9, sa 14th floor ng ABS-CBN dahil sa biruan nina Alessandra de Rossi at Jericho Rosales.

Si Anne Curtis ang kapareha ni Echo sa Green Rose, habang si Alex   ang partner naman ni Jake Cuenca. Sa February 14 na ipalalabas ang bagong teleserye na ito ng ABS-CBN na kinunan partly sa Seoul, South Korea. Ang Green Rose ay hango sa Koreanovela na ganoon din ang pamagat.

Panay ang sabi ni Echo, "I love you, Alex!" at "Love you, BB!" kay Alessandra, habang si Alessandra naman ay sinabihan pa si Jericho ng "Hindi ako aalis ng ABS hangga't nandito ka pa!"

WHERE BB CAME FROM. Paano nga ba nagsimula ang biruan at flirting nilang ito at ano naman ang ibig sabihin ng tila term of endearment nilang "BB"?

"Yung first eksena namin together, at alam niya yun, sinasakal niya ako, nakahiga akong gano'n sa kama, 'tapos sinasabi ko, 'Wag, 'wag, 'wag... o,' napahinto ako. 'Ang guwapo pala nito!'  

"Na-distract ako, nawala ako sa eksena. Pagka-cut, sinabi ko sa kanya, 'Alam mo, na-distract ako kanina, ang guwapo mo.' Magmula nun, nilandi-landi na niya 'ko. Hindi ko naman siya pinapansin," pakikay na kuwento muna ni Alessandra, na ikinatawa ng mga miyembro ng press na nasa presscon at pati na ri mga co-star niyang sina Anne, Jake at Echo.

"Ang 'BB' kasi, ahm... meron kaming istorya about a bibe, si BB. So, sa Korea, lahat kami 'BB' yung tawagan. Yun nga lang, ayaw niya [Jericho] talagang i-let go. Gusto niya talaga, BB ang tawag niya sa akin."

"Alex will always be my BB," sabat naman ni Jericho. "I love Alex!"

Napa-"wow" tuloy ang iba pang taong naroon sa sinabing ito ni Jericho tungkol sa co-star.

"Love ko 'yang si Alex, sobra. 'Yang BB na 'yan is a concept for a show. Yun lang yun.

"Mahilig kaming gumawa ng concept ni Alex, creative kami."

May gusto raw kasi talaga silang gawing show kunsaan si Alex ang bida.

Tungkol sa isang bibe, to be played by Alessandra, na mahilig mag-bikini, na kahit saan pumunta ay laging gustong ipakita ang suot niyang bikini.

ALEX IS LOVE. Aminado si Jericho na si Alex ang nagpapasaya sa kanya ngayon.