R&B Princess Kyla has announced her engagement to professional  basketball player Rich Alvarez in an interview. "Umiyak ako nang bonggang-bongga kasi hindi ko talaga ine-expect," says the singer about the proposal of Rich.

 

Photo: File photo & Noel Orsal

Labis ang kasiyahan ng R&B Princess na si Kyla matapos niyang aminin sa interview ng Tweetbiz ngayong gabi, February 10, na engaged na sila ng basketball player at long-time boyfriend niyang si Rich Alvarez.

Last week daw naganap sa isang hotel ang pagpo-propose ni Rich kay Kyla.

"Umiyak ako nang bonggang-bongga kasi hindi ko talaga ine-expect," sabi ni Kyla.

Nasorpresa raw talaga siya dahil akala niya ay magdi-dinner lang sila sa pinuntahan nilang hotel. Nagulat na lang siya nang makita ang mga pamilya nila ni Rich doon. At naganap na nga ang proposal.

Kailan naman ang kasal?

"Wala pang date ang kasal kasi kaka-engage ko pa lang," ani Kyla.

Bagamat wala pang eksaktong araw ng kasal ay sigurado naman daw na ngayong taon ito magaganap.

Sa bahay daw na ipinapagawa ni Rich sila titira after ng wedding.

Parehong 30 years old sina Kyla at Rich.

WISH COME TRUE. Bago ang pag-aming ito, tila ang pagpo-propose ni Rich ang hinihintay ni Kyla na mangyari.

Sa phone patch interview nga ng Tweetbiz kay Kyla noong January 5, na nagkataong birthday mismo ng singer, sinabi niya na ang best birthday gift daw sa kanya ay kung magpo-propose ng kasal si Rich. Although ayaw naman daw niyang i-pressure ang kanyang boyfriend.

Sigurado na raw kasi si Kyla na si Rich na ang gusto niyang pakasalan after ng kanilang limang taong relasyon.

Sinabi pa ng singer na okay lang sa kanya kung this year magaganap ang wedding nila. Sa tingin naman niya ay ready na silang dalawa ni Rich.

One month after nga ay nakamit na rin ni Kyla ang kanyang birthday wish.