Zoren Legaspi seriously considering having twins again with Carmina Villarroel

Rose Garcia
Friday, February 11, 2011 @ 02:41PM  |  20696 views

 

"Noong binata kasi ako, may pakiramdam ako na kapag nagkaanak ako, kambal. Ngayon, ang pakiramdam ko, kapag binuntis ko ulit si Carmina, kambal ulit. Yun ang pakiramdam ko. Tapos, ang pakiramdam ko, hindi nagkakamali. Palaging totoo," says Zoren Legaspi about wanting new twins.

Photo By: Noel Orsal













Abala ngayon si Zoren Legaspi dahil dalawa na ang shows niya sa GMA-7.

Sila ng misis niyang si Carmina Villarroel ang hosts ng daily morning program na Love ni Mister, Love ni Misis, samantalang aarte siya uli sa bagong afternoon series na Nita Negrita.

But between hosting and acting, tila mas nag-e-enjoy si Zoren ngayon sa paghu-host.

"Mas enjoy ako sa hosting kapag real people ang kausap ko kesa sa mga taga-showbiz. Siguro may restriction, at the same time, wala akong makuhang bago kasi alam ko na ang buhay nila. 

"Unless kapag may kausap akong iba na non-celeb, may mga lumalabas na bago at ang mga emotion nila, genuine talaga kaya madadala ka sa mga eksena. Pati ikaw, mararamdaman mo ang pain na nararamdaman nila," sabi niya.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Zoren sa presscon ng Nita Negrita kahapon, February 10, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Natawa naman kami sa sagot ni Zoren nang tanungin kung mas tumibay ba ang relationship nila ni Carmina dahil magkasama sila palagi sa set.

"Naiinis ako sa blower niya. Naiingayan ako. Gusto ko ngang lumipat ng dressing room!" natatawa niyang sabi.

WANTS NEW TWINS. It seems that Zoren is seriously thinking of having a new set of twins. Isa nga ito sa napag-usapan during the presscon of Nita Negrita.

"May mga araw na gusto ko. Tapos, may mga araw na okay na. Katulad ngayon, kapag naging ganito ang schedule mo, hindi mo rin maaalagaan yung anak, e. So, kapag gumawa ulit kami ng bago, yun ang pakiramdam ko. Kapag naging busy, maiiwan, e.

"At the same time, nag-e-enjoy kami sa dalawa [Cassy and Mavy]. Para kang merong cable channel. Uupo ka na lang at panoorin mo sila dahil ang daldal, kung anu-ano ang mga sinasabi, magkukuwento. Entertaining sila sa bahay, magkukuwento," sabi niya.

Pero si Carmina raw ay ayaw pang magkaroon sila uli ng anak.

"Siya, ayaw niya. Ako kasi, puwedeng oo, puwedeng hindi," sabi ni Zoren.

Ang kambal naman nilang sina Cassy at Mavy, 10, ay naghahanap na raw ng kapatid pa.

"Pero you know, three more years, mga 13 years old na 'yan, magbibinata na... So, ako, mas gusto kong mag-concentrate na lang sa kanilang dalawa at sa career namin," sabi ni Zoren.

1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name