Young actress Nadine Samonte stars in GMA-7's new afternoon series, My Lover, My Wife, where she plays a doctor.

Photo: Noel Orsal

Balik sa afternoon soap ang young actress na si Nadine Samonte sa My Lover, My Wife na magsisimula nang mapanood sa GMA-7 sa Lunes, February 28.

Ayon kay Nadine, hindi ito ang first mature role niya.

"Mature na ang role ko dati sa Tinik sa Dibdib, e. Siguro mas ano ito, kasi first time na...kasi doktora ako dito," sabi Nadine tungkol sa kanyang character na si April.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Nadine sa presscon ng My Lover, My Wife noong Miyerkules, February 23.

Dito sa bago niyang afternoon soap ay may kissing scenes daw siya kina Marco Alcaraz at Luis Alandy, na nagawa na naman niya in the past.

"Sa Tinik sa Dibdib, meron din, madami! Tapos sa Kung Mahawi Man Ang Ulap, meron din. At saka sa Maging Akin Ka Lamang, meron din."

Sa Magic Palayok sana dapat kasama si Nadine, pero dito siya sa My Lover, My Wife siya inilagay at happy naman siya.

"Mas challenging ito, e, at saka mas iba yung role, e," aniya.

May pagkasalbahe ang role ni Nadine dito.

"Medyo, parang kasi sa story, kung titingnan mo, parang kinukuha ko lang talaga yung akin, e. Kasi asawa ko siya [Marco], e. So kinukuha ko lang. Gagawin ko ang lahat para maibalik ko yung asawa ko sa akin, ganun," kuwento ni Nadine.

Gagawin ba niya yun sa tunay na buhay?

"Ay, hindi, a! Kung ayaw mo na sa akin, ayoko na rin sa 'yo," tumatawang reaksiyon ni Nadine.

Hindi siya maghahabol para sa isang lalaki?

"A, hindi ha, hindi! Life is too short, 'no! Kung ayaw na sa 'yo, maghanap ka na lang ng iba. Kung saan ka magiging masaya," sabi niya.


NADINE'S BOYFRIEND. Kumusta na sila ng boyfriend niyang si Emerson Chua? Nagkaroon kasi recently ng balitang muntik na silang maghiwalay.