"Mahirap din kasing i-please ang mga tao. Ang importante, kaming dalawa ay nagkakaintindihan kami sa mga bagay-bagay na, alam mo yun, kaming dalawa ang nakakaintindi," says Marian Rivera about the intigues on her relationship with boyfriend Dingdong Dantes.

Photo: Noel Orsal

"Ang ginawa ko, nag-mingle pa ako, kasi yung mga friends ko, nandito.  Nag-thank you pa ako na nagpunta sila rito dahil alam kong naglaan pa sila ng oras. It's a Sunday, it's a family day, pero nandito sila. 

"Sabi ng bodyguard, 'Ma'am, we're running out of time. Let's go.' Ako naman, super heels ako, takbo tuloy ako! Sabi ko nga, bakit sinama pa ako? Nahihiya ako. Okay na ako. Nakakahiya. 

"Pero para kay Dong talaga, gagawin ko naman talaga lahat."

Hindi raw sila sabay ni Dingdong na dumating sa venue. Mas nauna raw si  Dingdong bilang punong-abala sa event. Kaya natawa si Marian at tila may ideya na kung ano ang tinutumbok ng aming tanong.

KILLER LOOKS. Puring-puri naman ni Dingdong ang kakaibang ganda ni Marian noong gabing yun. Ano naman ang masasabi ng aktres dito?

"Ang ganda-ganda ko raw!" natatawang sabi ni Marian. "Wala, nakakatuwa lang na every time naman na hindi kami nagkikita, at pagkatapos magkikita kami, manonood kami ng sine or magdi-date kami, palagi niyang sinasabi na, 'Ang ganda-ganda mo naman.'

"Kaya sinasabi ko, 'Ano ka ba, binobola mo naman ako! Palagi mo naman akong nakikita.' Pero ganoon siya, ganoon siya ka-sweet na tao. Sasabihin talaga niya."

MARIAN'S DONATION. Tinanong din ng PEP si Marian kung may pledge o plano na siyang i-donate sa project ngayon ng Yes Pinoy Foundation na Para Paaralan.

"Of course, magdo-donate ako," sagot niya. "One hundred percent naman, e, magdo-donate naman talaga ako at magbibigay talaga ako. Sa ngayon, hindi ko pa sinasabi kay Dong kung ano yun."

Pero napag-alaman ng PEP na nauna nang nagbigay si Marian ng car sticker ng YPF at nagpagawa na siya ng marami nito.

"Oo, kasi noon pa niyang pangarap na magkaroon ng sticker sa kotse. Parang alam mo yung kumalat, parang yellow ribbon dati. So, gusto niya, may ganoon din siya. 

"Naisip ko noong Valentine's day, yun ang gift ko sa kanya, isa sa mga gift ko sa kanya para kumalat. Nagpagawa talaga ako ng marami para ibigay niya sa mga friends niya at ilagay sa likod ng mga sasakyan nila," sabi ni Marian.

VALENTINE'S GIFT. Inamin din ni Marian kung ano pa ang ibang naging Valentine's gift niya kay Dingdong.

"Meron kasi siyang polo na ang tagal-tagal na niyang gusto, pero hindi pa rin niya binibili at nakalimutan na niya. So, na-surprise siya na nabili ko yun para sa kanya at naalala ko pa. Formal na polo kasi siya."

Si Dingdong, ano ang naging Valentine's gift sa kanya?