Chynna Ortaleza believes in the saying, "There are no small parts, only small actors"

Rose Garcia
Saturday, March 05, 2011 @ 09:20AM  |  104 views

 

"Natatakot na talaga ako kasi ako yung bumubugbog sa bata. As in, bugbog talaga! At saka ito namang bata, gusto niya talaga na totohanin ko. Halimbawa, magba-blocking kami, tapos rehearsal, tatapikin ko siya. Pero kapag magti-take na, lalapit siya, sasabihin niya, 'Ate, totohanin mo!'" relates Chynna Ortaleza about her role in Magic Palayok.

Photo By: Noel Orsal













Isa si Chynna Ortaleza sa nananatiling loyal sa Kapuso network. Mula nang pasukin niya ang showbiz pagkatapos niyang lumabas sa isang softdrink commercial ay naging talent na siya ng GMA-7.

Nagsimula siya sa youth-oriented show na Click, kung saan naging ka-loveteam niya si Richard Gutierrez. Pero mula nang buwagin ang kanilang tambalan ay tila napag-iwanan na si Chynna, habang si Richard ay pumainlanlang ang career at ngayon ay itinuturing na isa sa top leading men ng Kapuso network.

Sa press conference noon ng Magic Palayok—kunsaan gumaganap si Chynna bilang Natasha—naitanong sa 27-year-old actress kung bakit tila hindi siya masyadong nabibigyan ng chance gayong isa siya sa pinaka-loyal talent ng Kapuso network.

Pero depensa naman ni Chynna, "Hindi, feeling ko ano lang 'yan, sometimes suwerte. Sometimes natapat ka rin sa magaling na manager. 

"Ako naman, parang sa akin, palagi ko rin sinasabi na basta may trabaho, masaya na ako. Basta may trabaho, good thing na yun... Up to sa dulo, noong muntik na akong lumipat, ang iniisip ko lang trabaho. 

"Wala akong iniisip kung bida, kontrabida, support, wala. Basta may trabaho ako. Kasi, I believe if you're an actor, kahit gaano kaliit 'yan, kung talagang magtitiyaga, magmamarka 'yan kahit na anong eksena."

Natutuwa naman si Chynna na nakikita raw ng Kapuso network ang kaya niyang gawin, lalo na sa mga role na ipinagkakatiwala sa kanya. Sa Magic Palayok nga, malaking bagay sa kanya to work side by side with her idol, Cherie Gil, kunsaan magkapatid ang role nila.

First time din ni Chynna to work with reel- and real-life sweethearts na sina Geoff Eigenmann at Carla Abellana.

"Ito talaga ang unang project na nakatrabaho ko sina Geoff and  Carla.  Okey naman. Ako yung panggulo sa loveteam nila rito!" natatawang sabi niya.

Pero mas natatakot daw siya dahil siya ang nagpapahirap sa young actress na si Angeli Nicole Sanoy, na gumaganap bilang Cookie.

"Natatakot na talaga ako kasi ako yung bumubugbog sa bata. As in, bugbog talaga! You know how Direk Joel Lamangan is, ayaw niya yung parang peke.

"At saka ito namang bata, gusto niya talaga na totohanin ko. Halimbawa, magba-blocking kami, tapos rehearsal, tatapikin ko siya. Pero kapag magti-take na, lalapit siya, sasabihin niya, 'Ate, totohanin mo!'

"Feeling niya, natutulungan nga naman ang emotion kapag ganoon. Hindi siya masyadong nahihirapan," kuwento ni Chynna.

May isang beses nga raw during their taping na na-guilty na siya.

"May isang time na pinalo ko siya nang pinalo. Pagtingin ko, meron na siyang red, red... Sabi ko, 'Naku, ako ba ang gumawa niyan? My God, baka idemanda ako ng nanay mo. Ano ba 'yan? Tama na.' Gumagano'n na ako, 'Hindi ko na gagawin.'

1  2  Next »

Related Articles

21 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name