IBC-13 and RPN-9 were the former top channels. Both have produced classic quality programs that are being remade by the top TV networks today.

Photo: File photo

Interesado ang San Miguel Corporation (SMC) na bilhin ang dalawang TV network ng gobyerno.

Ayon sa report ng Philippine Star ngayong araw, March 7, sasali na ang malaking business conglomerate sa bidding para sa RPN-9 at IBC-13.

Desidido na ang pamahalaang Aquino na i-privatize ang dalawang TV networks, na pagmamay-ari ng gobyerno simula noong 1986.

Ang estimated value ng IBC-13 ay P1.2 billion, samantalang ang sa RPN-9 naman ay P800 million.

Pahayag ni Ramon Ang, SMC President, sa Philippine Star, "SMC will join all government bidding to help."

Kasama sa plano ng SMC, na kilala sa food and beverage business, ang pagsali sa mundo ng telecommunications.

Ang dalawang government-owned networks ang dating nangunguna sa Philippine television.

Nagbukas ang RPN-9 noong 1969. Ilan sa mga programang naging popular dito noon ay ang John En Marsha, Flordeluna, at Superstar. Dito rin nagsimula ang Eat Bulaga!. Ang channel na ito rin ang unang nagsahimpapawid ng MariMar, ang unang Mexican drama na nai-dub sa Tagalog.

Sa ngayon ay ineere ng RPN-9 ang mga foreign programs ng cable at free-to-air channel na ETC.

Samantala, nagbukas naman ang IBC-13 noong 1961. Ilan sa mga programang naging popular dito noon ay ang Iskul Bukol, The Weakest Link, Chikiting Patrol, Okay Ka Fairy Ko!, Chika Chika Chicks, at Chicks to Chicks. Government-sponsored programs na ang karamihan sa ineere ng IBC-13 sa ngayon.