"Sa akin, kung magkakaroon man ng competition, healthy competition siguro para ma-push namin yung isa't isa beyond our limits. Hindi ako magpapakaipokrita para sabihing wala talaga, lalo na dahil kami ang magkaka-batch. But it's a healthy competition and I wouldn't want anything bad happen to her," says Bea Alonzo about her upcoming movie with Angel Locsin.

Photo: Noel Orsal

Sa contract signing ni Bea Alonzo for Star Cinema last March 7, inisa-isa ng aktres sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang mga pelikulang nakalinya niyang gagawin sa nasabing film outfit ng ABS-CBN.

Sa ngayon ay sinisimulan na ang shooting ng pelikulang pagtatambalan nila ni Vic Sotto, kasama ang child stars na sina Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat, ang Pak! Pak! Holy Pak!.

Bukod dito, dalawang malalaking pelikula pa ang pinaghahandaan ni Bea na tiyak na ikatutuwa ng mga tagahanga niya.

"Gaagawin ko yung Maalaala Mo Kaya The Movie with Angel Locsin and Zanjoe Marudo. It's such a big project for MMK's 20th anniversary this year. Kaya nung narinig ko ang tungkol diyan, talagang masaya ako. 

"Ang dami-daming blessings na natatanggap ko ngayon. Every morning, when I wake up, ang sarap ng feeling kasi madaming positive energy. Lahat ng nakapaligid sa iyo, masasayang tao kaya sobrang saya ko ngayon," saad ng Kapamilya star.

BEA VS. ANGEL. Excited na si Bea na makatrabaho sa isang pelikula si Angel, na sinasabing isa sa mga karibal niya pagdating sa popularidad.

"Siyempre, first time ko makakatrabaho si Angel, so masaya ako. Kasi hindi naman palagi na nakakatrabaho ko yung mga ka-genre ko, alam mo yun? Pareho kami halos ng ginagawang projects. 

"The last time na may nakatrabaho ako na halos kasing-edad ko, si Anne Curtis for Maging Sino Ka Man. Itong movie namin ni Angel, ibang timpla naman. 

"Sayang nga kasi nandun kami sa book launch ni Marc Nicdao last Sunday [March 6], pero pagkaalis ko pala, sakto sinabi sa akin ng kasama ko na papasok na si Angel. Hindi na kami nagkita at nakapag-usap.

"Sa akin, kung magkakaroon man ng competition, healthy competition siguro para ma-push namin yung isa't isa beyond our limits. Hindi ako magpapakaipokrita para sabihing wala talaga, lalo na dahil kami ang magkaka-batch. But it's a healthy competition and I wouldn't want anything bad happen to her.

"Siyempre, ang gusto ko yung pareho kaming may maipapakitang bago. I think she's a good actress. Siyempre, na-nominate nga siya sa International Emmy Awards, di ba? Who wouldn't want to work with someone like her?" pahayag ni Bea.

REUNION MOVIE WITH JOHN LLOYD. Masaya ring ibinalita ni Bea na by 2012 ay balik-tambalan uli sila ng perennial leading man niya na si John Lloyd sa isang pelikula.

Huli silang nagkasama sa Miss You Like Crazy noong 2010.

"It's going to be really special kasi 11 years na yung loveteam namin next year, and it's gonna be directed by Olivia Lamasan. Hindi ko pa nakakatrabaho si Inang sa pelikula.