"Siguro dumarating lang talaga sa pagsasama ng mag-asawa yun. Minsan hindi talaga kayo nagmi-meet ng minds, ng opinions n'yo. Kasi siyempre, kahit pa mag-asawa kayo, kahit gaano pa kayo katagal, minsan mare-realize mo na meron pa ring part of him na hindi mo nakikilala, or vice-versa," says Jessa Zaragoza about her rumored separation in the past with husband Dingdong Avanzado.

Photo: Noel B. Orsal

Binati ni Jessa ng "Happy Anniversary" ang asawang si Dingdong Avanzado kahapon ng umaga, March 18, sa contract signing niya with Bioessence sa West Avenue clinic nito.

Kasama rin sa contract-signing si Geneva Cruz.

"Happy 10th anniversary, honey!" bati ni Jessa.

Nilinaw ni Jessa na hindi sila talaga naghiwalay ni Dingdong, gaya ng mga usap-usapan noon dahil nga nagkaroon sila ng problema sa kanilang relasyon.

May mga kumalat pang rumors noong nakaraang taon na nagkaroon pa ng matinding pagtatalo ang mag-asawa sa isang parking lot ng isang venue na pinagdausan ng concert nila.

"Maraming mga lumabas na mga balita, pero never naman kami talagang naghiwalay.

"Dumating talaga sa pagsubok ang relationship namin. Pero never naman talaga kaming nag-away ng matindi na may physical pa. Walang ganon," ani Jessa sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press people na kumo-cover sa contract signing.

Minsan nga lang daw, noong may problema pa sila, magkahiwalay lang sila ng kuwarto kung matulog. Pero yung maghihiwalay sila ng titirahan, hindi raw talaga nangyari.

Wala rin daw third party involved sa naging problema nila ni Dingdong.

"Siguro dumarating lang talaga sa pagsasama ng mag-asawa yun. Minsan hindi talaga kayo nagmi-meet ng minds, ng opinions n'yo. Kasi siyempre, kahit pa mag-asawa kayo, kahit gaano pa kayo katagal, minsan mare-realize mo na meron pa ring part of him na hindi mo nakikilala, or vice-versa.

"Kasi siyempre, two different persons kayo, meron talagang sari-sariling opinion. Pero ang challenge doon, kung papaano n'yo iwo-workout na mag-a-agree kayo, na may respect pa rin at unconditional yun," pahayag pa ng actress-singer.

Sumailalim din daw sila ng marriage counseling sa kanilang pastor para ma-save ang kanilang marriage at heto na nga't nagse-celebrate na sila ng kanilang 10th anniversary.

Malaking bagay rin daw ang pagiging ina niya dahil nakatulong ito sa pag-mature niya bilang babae, lalo na't sampung taon daw ang tanda sa kanya ni Dingdong. Thirty-three lang si Jessa habang 43 years old naman si Dingdong.

ANNIVERSARY GIFTS. Ilang months ago pa raw sila nagbigayan ng regalo, at hindi raw basta-basta ang regalo nila sa isa't isa.