Fil-Canadian Ethel Rose on performing for her kababayans: "For me, iba kasi ang feeling when I perform in front of  my  kababayans. May kaba kasi di mo alam if they're going to like your performance. Sabi nga nila mahirap i-please ang mga Pinoy," she says.

Photo: Courtesy of John Fontanilla


 
May isang bagay na dapat maging proud ang mga Pinoy sa young Pinay singer na si Ethel Rose Amistad.

Gumagawa kasi ng ingay ngayon sa Canada ang kanyang album na Ethel Rose Amistad, A life Story  under Ecclesiastes Entertainment Canada. Ang album ay iprinodyus ni Ramil Omosura (nakapasok sa Top 40 ng Canadian Idol noong 2008) at malapit na ring i-release sa Pilipinas at maging sa U.S.A.

Isang malaking bagay para sa lahing Pinoy ang hatid ni Ethel Rose dahil nagawa niyang ma-penetrate ang Canada recording scene sa pamamagitan ng kanyang mga  hit songs mula sa kanyang carrier single  na  "In Your Blue Eyes," at iba pang awitin katulad ng "Super Human," "Perfect Melody," "Shelter in the Rain," "Back to the Love of the Same Kind," at "Loveline" na mula sa komposisyon ng mga batikang composers sa U.K., U.S.A., at Asya.

Nadiskubre si Ethel Rose ng kanyang manager/producer na si Ramil Omosura nang manalo ito sa PNT Singing Idol.

Ayon sa Wikipedia, ang PNT Singing Idol contest "is a Filipino-Canadian Metro Vancouver-area singing competition which grants prizes to the most successful amateur singers in three age categories. The contest started in 2008."

Naniniwala si Ramil na malaki ang posibilidad ni Ethel Rose na maka-penetrate, not only in Canada, kung hindi maging sa buong mundo katulad ng ibang Canadian singers na sina Celine Dion, Michael Buble, at Justin Bieber.

Ayon kay Ethel Rose, nang makausap siya ng PEP  (Philippine Entertainment Portal) sa opisina ng Ecclesiastes Entertainment sa Monmouth Avenue, Vancouver British of Columbia  last March 18 via phone interview, "I feel very blessed to record an album with my manager/producer Ramil Omosura through Ecclesiastes entertainment and I'm thankful for the opportunity.

"It's a dream come true for me to have  my own album. Until now hindi pa rin ako makapaniwala na unti-unti nang natutupad yung dream ko na maging isang sikat na recording artist," aniya.

"I'm happy because my album will be released not only in Canada but also in U.S.A. and hopefully, worldwide including the Philippines, so that my kababayans will enjoy my music. "

Pano siya na-discover ng Ecclesiastes Entertainment?

"I joined and won the PNT Singing Idol. After that they (Ecclesiastes Entertainment) asked me if I would like to be part of their recording company and to be their first recording artist," ang sagot ni Ethel Rose.

"And I said yes, kasi yun naman yung dream ko to be a recording artist and to have my own album and my own songs like my idols.

"That's why I'm really, really thankful to them because they made my dream come true. "

Who's her favorite international and Pinoy artist?

"I love listening to the music of Beyonce, Sarah Geronimo, Glee, and Charice. One of my dreams is to perform with my kakabayans Sarah and Charice in front of my kababayans, I want the Filipinos to embrace my music.