Alessandra de Rossi has learned her lessons in life and love

William R. Reyes
Wednesday, March 30, 2011 @ 04:03PM  |  121 views

 

 

"Pakitaan mo lang ako ng ngiti, in love na ako sa 'yo. Yung gano'n. Dati 'yon. Pero siyempre, matanda na ako ngayon. Parang hindi na madaling mabola ang lola mo!" says Alessandra de Rossi.

Photo By: Noel Orsal













Natapos man ang pagtatrabaho nilang magkakasama sa ongoing drama series ng ABS-CBN na Green Rose, maganda ang memories ng friendship na nabuo para kay Alessandra de Rossi.

"Yes, oo. Well, friendly kasi kaming lahat sa isa't isa," banggit nga ni Alessandra sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Kami ni Jake [Cuenca], matagal na kaming magkaibigan. Si Anne [Curtis], nakasama ko na dati."

What if merong untoward incidents sa set, o hindi magandang ugnayan ng mga nasa cast?

"E, usually, quiet lang naman ako pagka gano'n," aniya.

Ang tinutukoy ni Alessandra—o Alex (palayaw ng young actress)—ay ang mga insidente na hindi nagiging maganda ang working relationship niya at ng sinuman sa ginagawang project.

"May nangyayaring gano'n. Like, siyempre mga personal na issues, nagkakainitan ng ulo, mga ganyan. Usually, pagka ganyan, iniiwasan ko nang makatrabaho 'yon. Some people, yes," sabi niya.

Definitely, wala sa tatlo at iba pang kasamahan niya sa Green Rose ang naging dahilan para umiwas sa mga ito ang young actress na likas na masayahin.

Lalo na nga si Jericho Rosales, na panay ang "I love you" kay Alex kapag nagkukulitan sila habang nagpapahinga sa taping.

"Naku, sobra sa kakulitan!" pagtukoy ni Alex kay Echo.

POLO AND JEREMY. May naging ka-loveteam ba noon si Alessandra na ayaw na niyang makatrabaho sa ngayon?

"Hindi naman ako dumaan sa loveteam talaga," sabi niya.

What about Polo Ravales, na nakapareha niya noon sa isang comedy series at sa pelikula rin?

Nangiti si Alex at sinabing, "A, si Polo? Hindi naman kami loveteam talaga, as in loveteam. Nagkasama lang kami sa isang show. E, siyempre, may kanya-kanya na kaming buhay. Pero friends pa rin kami. Never kaming dumaan sa part na magkagalit kami. Or, maasim kami sa isa't isa."

Pati ba si Jeremy Marquez, na ex-boyfriend ni Alessandra?

"For a while, nangangasim kami!" pag-amin ng aktres. "Pero ngayon, sobrang okay kami. Ang tagal-tagal na no'n!"

1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name