Angelica Panganiban wins Best Actress in a comedy, beating out Ai-Ai delas Alas and Eugene Domingo

Rose Garcia
Sunday, April 03, 2011 @ 12:06PM  |  179 views

Angelica Panganiban on her surprise win as Best Actress for Here Comes The Bride at the 8th Golden Screen Awards: "Sobra 'kong happy.  Sabi ko nga, sa isang category na makasama ko si [Eugene Domingo] at si Ms. AiAi delas Alas na Queen of Comedy, ako pa ang nanalo! Hindi ako makapaniwala. Sobra akong sinuwerte sa pelikulang ito." 

Photo By: Allan Sancon













Personal na tinanggap ni Angelica Panganiban ang kanyang Best Performance by an Actress in a Musical/Comedy trophy mula sa  8th Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society (Enpress) kagabi, April 2, sa Teatrino Greenhills, San Juan.

Si Angelica nga ang nagwagi sa naturang kategorya para sa pelikulang Here Comes The Bride, kunsaan naging mahigpit niyang katunggali ang mga co-nominees na sina Ai-Ai delas Alas (Ang Tanging Ina), at Tuesday Vargas at Eugene Domingo (Here Comes The Bride).

Nang makapanayam ng ilang entertainment press at PEP (Philippine Entertainment Portal) si Angelica pagkatapos nitong personal na tanggapin ang kanyang trophy, ilang ulit niyang binanggit bago ng interview na nanginginig pa raw siya.

Ayon nga kay Angelica, "Iba 'yung feeling kapag tinawag ang pangalan mo.  Sobra 'kong happy at nakakaloka.  Iba pala ang feeling kapag present ka sa awards night. Kasi, 'yung mga nakaraan, wala ako.  So, sobra akong happy talaga."

Pag akyat niya sa stage para kunin ang award, biniro siya ni Uge na host ng 8th Golden Screen Awards at co-nominee niya.

Pero natatawang sabi ni Angelica, "Magkaibigan naman kami ni Ate Uge. Sobra 'kong happy.  Sabi ko nga, sa isang category na makasama ko siya at si Ms. AiAi delas Alas na Queen of Comedy, ako pa ang nanalo! Hindi ako makapaniwala. Sobra akong sinuwerte sa pelikulang ito."

Sa hanay nga ng mga nominado, si Angelica ang masasabing baguhan pagdating sa comedy, pero siya pa rin ang nahirang na winner.

Aniya, "Yes, first time kong magpatawa.  First time kong pinasok ang comedy and nanalo ako. Kaya sobra akong happy.  Haping-haping-hapi."

When asked about her boyfriend Derek Ramsay na wala sa gabing 'yun bilang escort sana niya, ayon kay Angelica ay nasa Boracay ito for a Frisbee tournament.

"Bukas ang finals," aniya.

Sa speech ni Angelica, hindi nito nakalimutang banggitin sa mga pinasalamatan si Derek.  Wari'y pagpapatunay na sila pa rin at taliwas sa lumalabas na balitang break na nga sila. 

Aniya, "Kakapanood ko pa lang nga kanina na break daw kami at ininterbyu nga ako... reliable raw ang source at paninindigan daw 'yun ng PEP. 

"I think, hindi masyadong reliable ang source nila.  At hindi naman talaga kami hiwalay."

Lumabas nga rito sa pep.ph na ayon sa isang reliable source ay hiwalay na sina Derek at Angelica.  Naninindigan nga raw ang reliable source ng PEP. 

Kaya ang sumunod naming tanong sa kanya ay wala ba talagang insidente na nag-cool-off sila or nagkaroon ng tampuhan para maisip or masabing break na sila?

1  2  3  Next »

Related Articles

79 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name