Si Pia Magalona ang manager ng band vocalist-actor na si Marc Abaya.
Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Marc kung kumusta maging manager si Pia. Hindi ba siya napapabayaan? Dahil ang ibang alaga ni Pia ay mga anak mismo ni Pia and the late Master Rapper Francis Magalona, na sina Maxene, Saab, at Elmo Magalona.
"She's wonderful! Isang karangalan para sa akin kasi ang mina-manage niya yung mga anak niya.
"I've never felt like I was neglected po kasi, 'yon nga, e, ang daming projects na dumadating.
"Kahit po madugo yung schedule ko at hindi ako sanay sa schedule ng showbiz, nasasakyan niya at naayos pa rin niya lahat," sabi ni Marc.
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Marc sa taping ng I ♥ You Pare ng GMA-7 sa Boiler Room sa Marikina City.
"I love working with her," sambit pa niya.
Paano niya naging manager si Pia?
"Ano po, I think nagkakilala kami first time sa video namin, 'One Look'... Yung anak niya si Elmo, kasi ang kuwento nun, may mga batang kami [Kjwan], tapos yung batang drummer si Elmo Magalona.
"Hindi pa artista si Elmo nun. 2006, that was the first time we met and then nagkakilala po ulit kami nung nagkatrabaho kami sa U92, a radio station, ano 92.3 FM. DJ kami, different boards, different time. And so 'yon.
"Nagkakilala din kami sa station, and then I was very fortunate na yung manager ko sa ABS-CBN, si Jet Valle—whom I also love very much—yun, very close pala siya kay Pia.
"And nalaman ni Jet na nag-o-offer ako to work under direk Andoy Ranay sa GMA.
"So, perfect timing na sinabi niya na 'yon, since it will be weird, since taga-ABS po siya, di ba? Na parang for GMA, it will be Pia.
"This was end of last year, December, nung patapos na yung Magkaribal.
"Pero now, I still work for the both of them. Na pag GMA projects, siyempre si Pia; and then everything else, yung hosting or ABS projects, si Jet."




0

