"E, siguro kasi, ewan ko, bilang madaldal naman ako. Pero after nga ng taping, parang ang sakit ng lalamunan ko! Mahirap palang mag-host ng isa lang kasi siyempre wala kang kabatuhan, ganyan," says Carmina Villarroel about hosting a show all by herself.

Photo: Noel Orsal

"Kaya sabi ko, okay ang mga bata. Sana lahat tayo ganun ang thinking, yung ganun. Hindi lang sa natututo ako sa kanila, hindi lang pagdating sa pagluluto, pati yung pananaw sa buhay. Parang relaxed lang, chill lang, yung ganun."

CRYING MOMENTS. Wala pa naman daw umiyak na bata sa show.

"Wala pa, ayokong may umiyak! Ayoko, iiyak rin ako!" sabi ni Carmina.

Paano pag may matatanggal na?

"Eto na nga. Siyempre pilot pa lang, di ba? Although the week before that, nag-pictorial na kami, dun na kami medyo naging close. Tapos sabi ko, two weeks pala kaming magkasama.

"Wala pang natatanggal-tanggal dito, meron na kaming award-award na best ganito, best ganyan. Pero very sport sila. Pero sabi ko, 'Malay ko, hindi ko lang alam, baka sa sususnod may matatanggal na.'

"Iyon na nga, ayokong dumating 'yon. Tapos minsan, may mga group effort, may hahatiin sa two teams. Ayoko silang mawala.

"Kaya nga sabi ko, kahit na hindi ako yung magdya-judge, ako naman ang magsasabi, ako yung mag-a-announce, e. Although hindi ko desisyon, siyempre, di ba? Kung ano lang naman yung desisyon ng mga judges. Pero, my God, ako naman ang taga-'And the winner is... And the award goes to...'

"Oh, my God!" sambit ng TV host-actress.

Baka siya pa ang maunang umiyak?

"E, malamang!" tawa niya. "E, siyempre ibibigay lang naman sa akin ang resulta, di ba? Parang, 'O eto na po yung resulta!' Parang 'Eeehhh!' Mapapaganun ako.

"Ito na nga lang best ano, e, best specialty dish, 'yon lang ha, parang additional points lang, ako yung sumisigaw na 'Aaayyy!' Ako yung gumaganun! Ayoko ng ganun, hindi ko kaya! Hindi ko alam."

Paano kapag may umiyak na contestant?

"Iiyak din ako...hindi ko alam. Siguro yung instinct ng mommy na... Hindi ko alam, hindi ko alam.

"Pero alam ko naman na based on the standards of the competition. But you know, alam ko naman na, you know, when you get there, may matatanggal, magiging emotional sila and you cannot question the emotions of, you know, especially kids.