Cesar Montano returns to singing and acting via a sitcom

Jun Nardo
Tuesday, April 12, 2011 @ 05:30PM  |  18352 views

 

"Sabi nga ng Diyos, you have to share your talent. Kapag hindi, if you don't share it, you don't use it, He'll get it back," says Cesar Montano about going back to singing.

Photo By: File photo













Binalikan muli ni Cesar Montano ang passion niya sa pagkanta. Bago kasi nadiskubre ang husay niya bilang aktor ay talagang hilig niya ang pagkanta.

Although gumawa na siya ng unang album under Star Records, sa bago niyang produkto ay ang Sony Music Entertainment naman ang nagtiwala sa kanya bilang singer.

May mga kanta rin siyang nilikha para sa huli.

Pahayag ni Buboy (palayaw ni Cesar), mas alternative rock music ang kantang nasa loob ng self-titled album niya.

"May mga compositions dito na ako ang nag-compose. Yung dalawa, music and lyrics, sa akin talaga.

"Yung doon [his first album], lyrics lang, pero dito, akin yung 'Patawarin' at saka yung 'Bago Maging Bato,'" pahayag ni Cesar sa launching ng kanyang album last week.

So, inilabas muli niya ang pagiging singer bago siya naging artista?

"Oo, oo! Nandito 'yon!" natatawa niyang sabi.

Bakit binalikan niya ang pagkanta?

"Sayang, e. Sabi nga ng Diyos, you have to share your talent. Kapag hindi, if you don't share it, you don't use it, He'll get it back," katuwiran niya.

Ang resto niyang Belissimo sa Tomas Morato Ave ang siyang venue ng jamming na ginagawa niya kaya nagbalik siya sa pagkanta.

"Kasi pag tuwing iikot kami sa provinces, nahihilingan kaming kumanta. Masarap kumanta ng sariling kanta ang kinakanta mo. Nakanta ko na yung isa bago ko ni-record," banggit ni Cesar.

Ang kantang "Patawarin" daw ang favorite niya sa album. Tungkol saan ba 'yon?

"It's all about asking forgiveness dahil sobra niyang mahal yung tao... 'Baka nakukulitan ka na sa akin, so patawarin mo ako kasi totoo kitang mahal. Baka masyado na akong possessive...'"

So, kanta ba niya 'yon sa asawa niyang si Sunshine Cruz?

1  2  3  4  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name