news

Parents of Jan-Jan file libel case against child psychologist and two bloggers

by Nerisa Almo posted on April 13, 2011  STATS: 56835 Views | 640 Comments

 

Jan-Jan's parents, Jojo and Diana Suan, claimed that they have been transferring homes since controversy over the March-12 episode of Willing Willie, where their son appeared, started. Willing Willie is a game-variety show hosted by Willie Revillame (in photo).

Photo By: Melo Balingit

Nagsampa ng kasong libelo ang mga magulang ni Jan-Jan Suan, ang six-year-old contestant sa March 12 episode ng variety-game show na Willing Willie, laban sa child psychologist na si Dr. Ma. Lourdes "Honey" Carandang kaninang umaga, Abril 13, sa Quezon City Prosecutor's Office.

Kasama rin sa kinasuhan ng mag-asawa ang mga bloggers na sina John Silva at Froilan Grate. Matatandaan na pareho nilang inilathala sa Internet, sa blog, at sa Facebook ang kanilang pagkadismaya sa March 12 episode ng Willing Willie, kung saan makailang ulit na nagsayaw ng "macho-dance routine" ang bata.

Sa ulat ni Jing Castañeda ng ABS-CBN News, sinabi nina Jojo at Diana Suan na ang patuloy na pagsabing biktima ng child abuse ang kanilang anak ay nagdulot sa kanila ng "dishonor, discredit or contempt."

Muli ring inulit ng mga magulang ni Jan-Jan na hindi nila pinilit ang kanilang anak na sumayaw. Gayundin, hindi rin sila naniniwala na may pang-aabusong nangyari, lalo pa ang hayaan maabuso ang kanilang anak kapalit ng pera.

Iginiit din ni Jojo na ang mga taong nang-aabuso sa kanilang anak ay yung mga patuloy na umaakusa at nagsasabi ng negatibong komento tungkol sa kanila.

Binanggit din ng ama ni Jan-Jan na dahil sa mga pangyayari, hindi na sila nakakatulog nang maayos nitong mga nakaraang linggo at palipat-lipat na rin sila upang magkaroon ng kaunting privacy.

Samantala, muling kinuwestiyon ni Atty. Leonard de Vera, ang legal counsel ng Willing Willie host na si Willie Revillame, ang akusasyon ni Dr. Carandang na naabuso ang bata dahil hindi pa man umano niya nakakausap nang personal si Jan-Jan o ang kanyang pamilya.

Para kay Atty. de Vera, ang sulat ni Dr. Carandang sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ay naging dahilan din ng pagsasagawa ng imbestigasyon ng Commission on Human Rights (CHR), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at MTRCB.

Sinabi pa niya na maaring bahagi si Dr. Carandang ng kilusan upang sirain si Willie at ang programa niya.

At katulad ng kanyang mga naunang pahayag, muling inulit ni Atty. de Vera na konektado si Dr. Carandang sa ABS-CBN.

Aniya, si Dr. Carandang ay nagtratrabaho bilang consultant at resource person ng ABS-CBN personnel-related activities ng kumpanya.

Matatandaang may alitan ang ABS-CBN at si Willie Revillame, na humantong sa korte, dahil sa paglipat ng host sa TV5 habang may kontrata pa ito sa ABS-CBN.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

640 Comments

  • 560  Jockinthepan

    04/14/2011 | 06:53 PM
    ang dami kong nakikita mas grabe pa dyan sa sayaw ng Jan Jan na iyan sa mga kids oriented shows. Bakit iyan Jan Jan na iyan ang napag initan? Ang babaw talaga mas maraming cases dapat pag ukulan ng pansin kesa dyan. Lalo na yung mga kabataan na nagiging kriminal sa murang edad. Sayaw lang Child abuse na, Gising Gising Please!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 559  global2010

    04/14/2011 | 06:51 PM
    si ayayay124 isa sa mga dancers ni Willie...andito din kasi si kung-grat-chu-leyshuns eh..si creshia ata yun..nakalimutan ko na,...heheh...sulit na sulit ni Willie ang 40k a month na pasweldo sa inyo, kasi ganun kamura lang ang buong pagkatao nyo. try nating paswelduhin nya lang kayo ng minimum wage for the next 24 months. tingnan natin kung ganyan pa rin kayo katodo sa pag-defend sa kanya
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 558  cristome

    04/14/2011 | 06:32 PM
    malinaw pa sa sikat ng araw na ang may pakana sa pagsasayaw ni janjan ay dahil yun daw ang utos ng tita at papa niya!!! dba ask si willie sino nagturo sa kanya at yun ang sagot ng bata! ibig sabihin nito sumusunod lang ang bata sa utos ng mga matatanda...kalurky!!! para kay willie pera pera lang yan....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 557  bitter_sweet123053

    04/14/2011 | 06:31 PM
    ayayay, are you atty. de vera? kung ipagtanggol mo c willie eh parang willie is your god. i am not pro niether anti willie, but in my opinion, kung mas lalong lalaki ang issue na to, ang magiging kawawa ay ang bata...papasanin ng bata ang isyung ito hanggang pag laki. if there really is an abuse, well let DSWD handle this, or any other concerned agencies. kaya lang naman lumaki to, kasi maraming nakisawsaw, namulitika, at sa kagustuhang pabagsakin c willie, eh mas lalo lang xang pinapasikat...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 556  cristome

    04/14/2011 | 06:30 PM
    naku! mukhang kampo ni Willie ang may utak sa mga ginagawa ng mga magulang ni janjan...isip isip muna kayo! magkano kayang datung ang naiabot na ni willie sa kanila!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 555  global2010

    04/14/2011 | 06:29 PM
    showbiz addict, talaga kayang yun ang gusto ng bata? o yun ang iminulat sa kanya ng mga magulang nya para gustuhin? parang yung mga ibang bata rin, pag tinanong mo gsutong maging doctor, lawyer, artista, basketball player, etc. pero after 10 yrs hindi naman pala. yun lang sabi sa kanila ng Nanay at Tatay nila
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 554  shobizaddict

    04/14/2011 | 06:22 PM
    IF ONLY EVERYONE DID THEIR BEST, NO ONE WILL HAVE TO RESORT TO MAKE A FOOL OF THEMSELVES IN FRONT OF THE CAMERA. ayayay124 , this statement of yours applies to adults, not to a kid like janjan. he was on tv because he thought he has the talent that probably, he think could be his ticket to stardom because as per his relatives he wants to be an actor. he is not there to make a fool of himself.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 553  global2010

    04/14/2011 | 06:19 PM
    maganda yung point, i mean.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 552  kokuryu

    04/14/2011 | 06:16 PM
    but either way, is there something katuwa or katawa with a child dancing? eh kung iask kung saan nanggaling ang pambayad sa abogado nila, at sabihing sa pagmamacho dancing ng bata? tama ba yun?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 551  global2010

    04/14/2011 | 06:07 PM
    himagandan yung point ng isa dito..iba yung NATAWA sa NATUWA. yung audience ba eh NATUWA sa talent ng bata? o NATAWA? kasi yung natuwa, na-appreciate nila yung talent. yung natawa naman, may halong mockery kasi kakatwa nga naman para sa isang 6 na taon na magsayaw ng macho dancing. hmmmm..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 550  ogagikaw

    04/14/2011 | 05:25 PM
    alam kaya ng parent ni jan jan ginagawa nila or nasulsulan sila ng camp ni willie...baka sila ang kasuhan sa ginagawa nila sa anak nila....think think..wag pasuhol yung dignidad nyo sa kapiranggot na pera galing kay willie .
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 549  Blood_Orchid

    04/14/2011 | 05:02 PM
    There is a fine line between USE and ABUSE. Don't USE your child for your own gain and don't ABUSE your child's innocence by making them do things because they don't know what's right and wrong. If you know how to make babies you should know how to take care of them PERIOD
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 548  Borloloy_123

    04/14/2011 | 04:59 PM
    kahit saan mo ilagay si willy.......kapamilya, kapuso, kapatid network man, lumalabas talaga yong ugali niyang bastos. insensetive. gusto niya pang suportahan siya ng mga artista kahit puro na kabalastugan ang ginagawa niya. bibigyan ka nga niya ng pera, paglalaruan ka nman niya muna. tuwang-tuwa siya diyan. that's how he bribes his contestants.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 547  wise_mico

    04/14/2011 | 04:42 PM
    No. 1 talga ang ABS-CBN! ABS daw nagdidiin kay Willie... ibig sabihin kayang imanipulate ang ABS-CBn ang DSWD, CHR, KBP, CBCP, Jollibee, PnG, at ang iba pang advertisers na nag pull out, at lahat ng groups na kumukontra kay Willie???? WOW! ANG GALING NAMAN PALA NG ABS-CBN!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 546  kokuryu

    04/14/2011 | 04:25 PM
    i think sa macho dancing ng bata ................................................ does it sound right, mga supporters ni willie?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 545  tweeniecinco

    04/14/2011 | 03:59 PM
    san kayo kumuha ng pera magulang ni jan-jan para makakuha ng lawyer?wala lang curious lang...siguro nga maganda takbo ng parlor na business ng father ni jan-jan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 544  kokuryu

    04/14/2011 | 03:53 PM
    again ayayay, i'll follow your argument. the poor needs him that is why he is exploiting their poverty... so it's ok to humiliate and ridicule them and make them laughing stocks in national television because he helped them?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 543  ronvil

    04/14/2011 | 03:51 PM
    ang sama talaga ng ugali ng mga pilipino no???.....kahit umiyak na nga ang mga magulang ni jan2x gawaan pa ng storya hoy tumahimik na kayo... unahin nyo muna pamilya niyo bago kayo mag salita ng masama sa kapwa...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 542  BopolEngot

    04/14/2011 | 03:50 PM
    tanong... bakit hagalpak ang tawa ni willie nung sumayaw si janjan? natuwa ba ito o natawa? pano mo sasabihing ang galing nung bata sumayaw eh hindi naman un ang klase ng sayaw para purihin mo ang isang bata. kaya nga may child abuse dito kasi hinayaan ng magulang turuan ng kung sino ung bata sa sayaw na hindi naman nito alam kung san galing. ngayon ung paulit ulit na pagtugtog at pagpapasayaw sa bata na dahilan kung bakit ung host at buong audience eh nagtawanan, un ang sa tingin ko ang mali don. hindi naman kasi kamangha mangha ung sinayaw kundi kahiya hiya kaya nagtatawanan lahat. nakakagulat na ang isang batang 6 na taon eh naturuan ng ganong sayaw.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 541  freemind24

    04/14/2011 | 03:41 PM
    kinikilabutan ako...libel? naku idemanda ang mga magulang na yan pinabayaan sumayaw ng ganun ang kebata bata nilang anak!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About