Gerry Perez told the press how his son, AJ Perez, enjoyed his trip to Boracay a week before the accident that killed the young actor. During this trip, AJ also showed how loyal he was to a friend.

Photo: Allan Sancon

Ihahatid na sa kanyang huling hantungan ang young actor na si AJ Perez sa Manila Memorial Park, Parañaque, bukas, April 26.

Pero napakarami niyang magagandang alaala at anekdota na iiwan sa kanyang mga mahal sa buhay at mga kaibigan.

TRIP TO BORACAY. Isa na rito ang kuwento ng ama ni AJ na si Gerry Perez sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Iisang linggo kasi bago naganap ang aksidente ay nagpunta pa ng Boracay ang Kapamilya young actor.

Unang lakad daw yun ni AJ na mga barkada lang ang kasama at hindi ang parents niya. Selebrasyon din daw ito ng graduation niya ng high school sa La Salle Greenhills.

Sinabi ni Daddy Gerry na bumilib siya sa asal ng anak niya sa pagkakataong 'yon dahil hindi raw ito nang-iwan ng kaibigan.

Si AJ raw kasi ang tipo ng anak na hindi niya idi-disappoint ang magulang at gagawin talaga ang best niya.

Kuwento ni Daddy Gerry, na-late daw si AJ sa airport pabalik ng Manila dahil mabagal yung bangka at kailangan pang punuin.

Kasama raw niya ang isang barkada niya dahil nauna ang flight ng iba nilang friends.

Pinagalitan pa nga raw ni Daddy Gerry ang anak dahil baka gusto lang daw nitong ma-extend ang bakasyon niya sa Bora para gumimik.

Ang ginawa raw ni AJ, ipinasa nito ang telepono sa empleyado ng airline para kausapin ng daddy niya at patunayan na hindi siya nagsisinungaling.

Naghintay sila ng next flight. Pero isang bakanteng upuan lang ang available.

"Mag-alibi ka na lang na may ASAP Rocks ka kinabukasan para mauna ka," utos pa raw ni Daddy Gerry kay AJ.

Pero nagpumilit si AJ na hindi niya puwedeng iwanan ang kaibigan niya. Kawawa naman daw ito na nag-iisa.