Naihatid na sa kanyang huling hantungan ang nasawing batang aktor at Star Magic talent na si AJ Perez kaninang tanghali, Abril 26, sa museleo ng Familia Sarte sa Manila Memorial Park, Parañaque City.
Binawian ng buhay dahil sa isang vehicular accident si AJ noong Abril 17, Linggo ng hatinggabi.
Bumangga ang sinasakyan niyang service van ng ABS-CBN sa nakasalubong nito na Partas bus sa Moncada, Tarlac.
Naitakbo pa sa kalapit na ospital si AJ at mga kasama nito ngunit idineklara na itong "dead on arrival," 12:20 a.m. nang araw ring iyon. (CLICK HERE to read related story.)
Ibinurol muna ang labi ni AJ sa La Salle Greenhills chapel, pagkatapos ay inilipat sa Christ The King Chapel sa Greenmeadows, Quezon City, noong Martes Santo, Abril 19.
Dinalaw ng mga fans, mga kaibigan, kaklase, at mga kasamahan sa industriya ng showbiz ang parehong burol ni AJ.
Pawang mga mabubuting alaala lang ang mga naikuwento ng lahat ng nakiramay tungkol sa 18-anyos na aktor na kaga-graduate pa lang ng high school sa La Salle Greenhills.
AJ'S LOVED ONES. Sa burol ay nakilala ng publiko ang mga malalapit na tao sa buhay ni AJ.
Katulad ng maalaga nitong ama na si Gerardo "Gerry" Perez, na laging kasa-kasama ni AJ sa mga showbiz activities nito (siya ring kasama ni AJ sa aksidente sa Tarlac).
Ang laging nilalambing ni AJ na inang si Maria Victoria "Marivic" Perez.
Ang 13-year-old younger brother niyang si Angello o Gello na umiidolo sa kanya.
At ang 17-year-old na kasintahan ni AJ na si Steph Ayson, anak ng kilalang jeweler na si Suzette Ayson at aminadong dating fan ng nasawing aktor (CLICK HERE to read related story.)
Sa mga artikulong inilabas sa PEP (Philippine Entertainment Portal), mas nakilala nang husto ang katauhan ni AJ bilang isang mapagmahal na anak at kapatid, mabait na kaibigan, at mabuting estudyante.
Napag-usapan din kung paanong napagdesisyunan ng pamilya ni AJ na i-donate ang mga cornea ng mga mata ni AJ sa "Miracle Kid" na si Fatima Soriano.
Pero ayon naman sa doktor ni Fatima, hindi posibleng makatulong ang mga cornea ni AJ dahil ang retina raw ng bulag na gospel singer ang may diperensiya (CLICK HERE to read related story.)




CALLED OUT
ALL COMMENTS
41 cocojam27
40 cocojam27
39 mabait_ako
38 doomsday2012
37 doomsday2012
36 doomsday2012
35 emmee_76
34 tinks05
33 kapamilyameh
32 coconutnut
31 llzlg0401
30 celebrei
29 heart07
28 nsmith8
27 Duchessdiane09
26 song751
25 artwork
24 lucky_yorker1
23 lhes2004
22 sosingmasa
more comments