GMA-7 primetime queen Marian Rivera breathes life to the challenging role of a woman blessed with superpowers in the epicserye Amaya.

Photo: Noel Orsal

Kasama rin sa cast sina Gary Estrada, Rita Avila, Jackielou Blanco, Marissa Delgado, at Carl Guevara, sa role ng isa pang leading man.

Nakatakda itong magsimula sa May 16.

Ang StarStruck 3 Ultimate Female Survivor na si Jackie naman ang pangunahing bituin sa Sisid.

Ang orihinal na istoryang ito ay tungkol sa pearl divers, pagkagahaman, at inosenteng pag-ibig.

Leading men ni Jackie rito sina JC Tiuseco, Ian Batherson, at Dominic Roco.

Magsisimula ito sa May 30.

PACQUIAO FIGHT. Siyempre pa, ang halos lahat ng Pinoy ay nag-aabang na sa laban ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao kontra sa American boxer na si Shane Mosley.

Ipapalabas ng GMA-7 ang laban nina Pacquiao at Mosley sa Las Vegas sa May 8.

ANDRES DE SAYA. Tampok naman sa TV remake ng comedy classic movie na Andres de Saya sina Cesar Montano at Iza Calzado. Gagampanan nila ang roles na unang ginampanan nina Vic Vargas at Gloria Diaz.

Ang once-a-week comedy series na ito ay tumatalakay sa istorya ng isang machong lalake, si Andres, na nagiging "under de saya" kapag kaharap na ang kanyang misis.

Sa May 28 ang first airing nito.

KOREANOVELAS. Sa pagtatapos ng toprating na The Baker King, isa na namang Koreanovela ang magsisimula simula sa Lunes, May 2, ang Secret Garden.

 

Tampok dito ang tambalan ng Hwang Jini lead star na si Ha Ji-won at ng My Name Is Kim Sam Soon heartthrob na si Hyun Bin.

Gagampanan nila ang dalawang nilalang na nagkapalit ng katauhan dahil sa isang magical phenomenon.

Bukod sa Secret Garden, ang isa pang aabangang Koreanovela ng mga Kapuso ay ang Playful Kiss.

Base sa isang sikat na Japanese manga, tungkol ito sa isang maganda ngunit clumsy na babae na posibleng makakuha ng tsansa sa perpekto ngunit cold-hearted na lalake.