Kim Chiu will have three leading men in her upcoming primetime series on ABS-CBN, Binondo Girl—Jolo Revilla, Matteo Guidicelli, and Xian Lim.

Photo: Noel Orsal

Tatlo ang leading men ni Kim Chiu sa bago niyang primetime series sa ABS-CBN, ang Binondo Girl—sina Jolo Revilla, Matteo Guidicelli, at Xian Lim.

Sa tatlo, balitang si Jolo ang may "big crush" sa kanya. Ano ang masasabi ni Kim dito?

"Big crush talaga? Parang nakakatakot!" natatawang sabi ng young actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Hindi ko pa siya nakikita ulit. Sa Friday pa [May 6].

"Si Jolo, ayun, forever gentleman.

"Ewan ko sa kanya kung ano ang gusto niya!" tawa niyang muli.

Okey lang bang ligawan siya ng lalaking may anak na?

"Siyempre hindi," mabilis niyang sagot.

Si Jolo ay may anak na lalaki sa dati niyang girlfriend na si Grace Adriano, anak ng dating sexy star na si Rosanna Roces.

Paano kung binatang ama pala ang kapalaran niya, may halong birong pagtatanong ng PEP sa dalagang ginawang cover ng YES! Magazine sa huling "100 Most Beautiful" edition nito.

"Kayo talaga! Hindi ko alam. Nakakatakot naman na kapalaran!" natatawang tugon niya.

Ano naman ang masasabi niya kay Xian?

"Si Xian kasi nakasama ko na rin siya sa My Only Hope," banggit ni Kim sa dati nilang teleserye.

"Minsan nakakasama ko siyang lumabas-labas, mag-bowling, kasama sina Maja [Salvador].

"Okey naman siya, nakakatawa. Hindi halata sa hitsura niya na kenkoy din siya.