"Soap with a malinis na pagkakalahad. Straight drama. Hindi siya nagpapaka-pantasya or anything like that. Rebellious nga siya against the formula of soap, e—family story, family-oriented," says director Maryo J. de los Reyes about his latest project with GMA-7, Munting Heredera.

Photo: Noel Orsal

Ilang pelikula at TV shows na ang pinagsamahan ng original Queen of Philippine Movies na si Ms. Gloria Romero at ng batikang direktor na si Maryo J. de los Reyes.

Kaya marami ang nag-iisip na posibleng si Direk Maryo ang naging tulay upang gumawa ng teleserye sa kauna-unahang pagkakataon si Ms. Gloria sa bakuran ng GMA-7.

Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng marami na halos 24 years nang napapanood sa ABS-CBN ang batikang aktres.

Pero ngayong taon ay masisilayan na ng mga Kapuso si Ms. Gloria sa GMA-7. Ito ay sa pamamagitan ng Munting Heredera na si Direk Maryo ang direktor.

Pero paliwanag ni Direk Maryo, "Meron na siyang pahiwatig sa GMA that whenever she will be available... Kasi marami na ang nag-o-offer sa kanya. Tapos, meron din silang informal agreement.

"And when they thought of having this ano... Actually, ang original title is Cassandra until it developed into Munting Heredera.

"And when they [management] said magkakaroon sila ng telenovela with Gloria, sabi nila, 'Can you wait for it?' Kasi siyempre, tina-timing pa nila.

"'Okay, fine. Who wouldn't want to do a Gloria Romero [show]?'

"Kasama ko rin siya sa Magnifico, sa Kamoteng Kahoy. Nagkatugma-tugma, nagkataon-taon.

"Siguro, para naman sa GMA, ipagkakatiwala rin nila sa somebody na nakasama na rin niya. Or kumbaga sa ano, mas kumportable na rin siya sa director."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Maryo sa presscon ng Munting Heredera noong Martes ng gabi, May 3, sa Studio 7 ng GMA Network Center.


STRAIGHT DRAMA. Paano ide-describe ni Direk Maryo ang bago niyang teleserye?

"Soap with a malinis na pagkakalahad. Straight drama.

"Hindi siya nagpapaka-pantasya or anything like that.

"Rebellious nga siya against the formula of soap, e—family story, family-oriented.