Muling nagdagdagan ang pamilya ng Viva Entertainment, dahil kahapon, June 2, ay pumirma na ng two-year movie contract si Alex Gonzaga.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi ni Alex na masayang-masaya siya na maging miyembro ng Viva family.
Katunayan, nauna pang nalaman ng kapatid niyang si Toni Gonzaga na gusto siyang kunin ng Viva.
"Nung una po, sinasabi ni Direk Wenn [Deramas] sa ate ko, 'Uy, gusto naming gawan ng pelikula si Alex.'
"Nung tinawagan ako ng ate ko, 'Yy, congrats! Sabi ni Direk Wenn gusto daw ng Viva.'
"E, siyempre wala pa naman tumatawag, di naman sure. Pero siyempre natuwa kami ng ate ko.
"Tapos nung tumawag na finally, e, di natuwa kami kasi ibig sabihin na siguro, meant."
Hindi kaya dahil ito sa kanyang current running drama series na Babaeng Hampaslupa?
"Siyempre malaking tulong din naman sa akin ang Juicy. Hindi naman bibigay sa akin siguro ang Hampaslupa kung hindi dahil sa Juicy," sabi ng Kapatid star.
Isa sa mga pangarap ni Alex ay magbida sa isang romantic comedy or Korean-themed na palabas.
Tingin niya ba ay maibibigay na ito ng Viva sa kanya?
"Kaya nga kami pipirma dito kasi ibig sabihin, pinagkakatiwalaan namin yung Viva, kami ng mommy ko.
"Hopefully, siyempre makuha ko yung gusto ko kung magkaayos kami, magka-compromise yung gusto naming pareho para maging maayos.
"'Tsaka at least one step at a time, ito, meron na akong contract sa movies, makukuha ko na din yung gusto ko."
DRAMA PRINCESS. Si Alex ay isa sa mga binansagang "TV5 Primetime Princess" ng kanyang network. Kasama niya sina Ritz Azul, Jasmine Curtis-Smith, Danita Paner, Arci Muñoz, at Eula Caballero.




0

